Chapter 6:

1553 Words
Pagkatapos patayin ni Marie ang ilaw,ang liwanag ng buwan ay pumasok sa loob ng kwarto mula sa bintana,sa malaking kwartong iyon ay may king size bed,si Marie at ang dalawang bata lang ang nakahiga sa kamang iyon. Napagitnaan si Marie ng dalawang bata kaya naman nakahiga ang mga ito sa magkabilaang braso ni Marie. Iniyakap naman na ang kamay sa mga ito alam niyang pagod ang mga ito dahil buong maghapong naglalaro ang mga ito. Marahan naman niyang tinapik tapik ang dalawa na patulog na sa bawat tagiliran niya nakasiksik ang mga ito. Kailangan na naman niyang pumunta sa Sanchez Family ulit bukas,kailangan niyang pumunta doon hanggat nanjan pa ang ama niya. Ang step Mother at step sister niyang si Ana ay ayaw talaga ibigay sa kanya,ang gamit ng mga magulang niya pero sigurado siya kapag ang ama niya ay ibibigay agad ito sa kanya. Ang akala ni Marie ang patulog na ang mga anak kanina pagkahiga nila pero nagbabangayan pa ang mga ito,bago tuluyang nakatulog sa mga braso niya,ang mga mukha nito kong titigan ay para talagang mga anghel. Marahan naman niyang tinanggal ang mga kamay niyang nangangalay kong saan mahimbing itong inunan ng mga anak. At dahan dahan din naman siyang bumaba sa kama at sa ilalim ng maaliwalas na ilaw,napakaganda ng kanyang pakiramdam ng pagmasdan niya ng mga cute na anak na mahimbing na natutulog. Kahit gaano pa siya sa sira sa labas ng bahay,sa harapan ng kanyang kambal na anak ay kailangan niyang umasta na parang walang nagyayari. Dahan dahan siyang lumabas,nang buksan niya ang pinto ng kwarto ng tiyahin ay nakita niyang hindi pa ito natulog.Nakasuot siya ng pares na pajama at lumapit din naman siya na nakapajama din tumayo siya sa gilid ng kama nito at uminom ng tubig. "Marie hindi ba nila ibinalik sa iyo ang mga gamit ng yumao kong kapatid?Sumusobra na sila?."sobrang galit na galit si Sue sa mga ito. Umupo si Marie sa may dulo ng kama na sobrang nalulungkot,nakakaramdam parin siya ng kaunting sakit habang tinitingnan ang kamay na may pasa.Dahil sa higpit na hawak ng lalaki sa kamay niya. Nagsalita naman ulit si Sue ng di sumagot si Marie,"Hanapin mo si Daddy mo at kausapin mo siya ng mabuti,sigurado akong ibabalik niya agad sa iyo ang mga gamit na iyon." Kahit sobrang galit na galit siya,ay mas lalo pa siyang nasasaktan nang makita niyang nalulungkot ang pamangkin at nawalan na ng pag asa ang mukha. "Tiyang,pwede po bang ipangako niyo sa akin ang isang bagay?" Wag na wag niyo pong ipagsasabi kahit kanino na may dalawa akong anak,lalong lalo na sa Sanchez Family."inangat niya ang ulo at ang mga mata nito ay may pagsusumamo. "Oo naman,hinding hindi ko ipagsasabi,kahit pa may magtanong sa akin,sasabihin ko lang na tinanggap ko ang pera mula sa ina upang alagaan ko ang bata."alam ni Sue na gusto lang ni Marie na protektahan ang kambal,nagkaroon na ng mahirap na pinagdadaanan si Marie simula pa noon. "Salamat tiyang,"sobrang laking ngiti niya sa sinabi ng tiyahin. Alam ni Sue sa nakikita niya na napipilitan lang si Marie ngumiti at dahan dahan naman niyang sinulyapan ang pamangkin na si Marie at tinanong niya ito."Hindi mo ba talaga kilala ang Ama ng mga bata Marie?" "Hindi kopo kilala tiyang at tsaka ayoko nang alamin pa."hindi ito iniisip ni Marie at ayawa narin talaga niyang isipin pa ito. "Naku,kong may Ama ang mga bata ,hindi mona sana kailangan pahirapan ang sarili mo sa paghahanap ng trabaho."suhetiyon naman niya sa pamangkin. "Wala naman po akong mahirap na trabaho,ang mga anak ko ay sobrang mahuhusay at sobra sobra akong pinagpala na ina.sagot niya sa tiyahin at ngumiti na parang bata. Ang kamba ang kanyang buong mundo at syempre ang kanyang liwanag na araw sa buhay niya. Si Sue naman ay pinagmasdan niya ang bata pang mukgha ng pamangkin at talagang sobrang bata pa nito nang maging ina. Kinabukasan ng umaga,saktong oras na ng tumunog ang alarm clock na isinet ni Marie kagabi bago paman siya matulog.Mabilis naman agad siyang nagising at buamangon siya agad agad,tinali ang mahabang buhok gamit ang rubber band at mabilisan naman siyang pumasok sa banyo. "Gising kana pala Marie?"banggit ni Sue nang mapansin ang pamangkin papasok ng banyo.Busy na siya pag aasikaso ng umagahan nila sa kusina. "Opo kagigising ko lang po tiyang,kailangan kong i enroll ang mga bata sa kindergarten."sagot niya sa tiyahin. Pagkatapos ni Marie mag ayoa sa sarili,sinimulan na niyang gisingin ang mga bata. Ginising niya una ang anak niyang lalaki at sinuotan ng maliit na pambatang suite para sa kanya. "Mommy.....payakap..."ang magandang bilogang mata ni Frank ay inaantok parin,kong saan mas lalong nagpapacute sa kanya.Nagpapahiwatig lang ito na hindi nakatulog ito ng maayos. Binuhat naman ni Marie ang nagpapalambing na anak at pinaupo sa mga hita niya,at tinutulungan niya itong suotan ng pantalon,panakaw naman siyang humalik dito sa malambot at sobrang cute na pingi. Ang ekspresyon ni frank ay sobrang cute,at pinapayagan niya ang ina na humalik ng paulit ulit sa pisngi niya na hindi siya nagagalit. Nasa ugali ni Frank minsan ang ayaw niya natinuturing siya ng ina na bata siya,ayaw nitong magpahalik. Tinulungan din niya itong magsuot ng damit ang anak at pinunasan niya ito malinis at binasa na bimpo ang mukha nito. Nag di niya sinadyang mabasa ang itim na buhok na medyo nakatakip sa noo nito ang sinulay niya ng daliri ito pataas,nang makita niya ang buong mukha ng anak ay natigilan siya. Tapos mabilis siyang tumalikod patakbo ng banyo at sa paglabas niya ay may dala na siyang suklay. Sinuklay na pabalik ang konting bang's nito na nakatakip sa noo,at nang maitaas na niya ito lahat ay ang kalabasan nito ay ang di makapaniwalang sobrang gwapo nitong mukha. "Hindi,hindi ito maari?!" "Imposible....!" "Talagang magkamukha sila...!" Ang tarantadong iyon na tumulong kay Ana kahapon na kaperehong hairstyle ng anak ko,at sa pagkakataong ito ang mukha ng anak niya ang prang inihulma ang mukha nito sa taranyadong iyon. "Hindi.."Hinawakan ng isang kamay ni Marie ang suklay at ang isang kamay naman ay ang basang bimpo.Ang mga mata niya any napako sa kakatitig sa muka ng anak niya at wala na siya sa sariling pag iisip ng umiling iling ang ulo niya. Nang matapos si Frank sa paghilamos ay mas lalon malinaw at umaliwalas ang sa may noo niya.Inangat niya ang mata at tiningnan ang ina niyang naging blangko ang mukha at agad niyang inangat ang maliit na kamay at iwinagayway sa harapan ng nakatulalang ina. "Mommy,ano pong tinititigan niyo ngayon lang."nagising naman agad agad si Marie sa pagkawala sa sariling pag iisip at tinakpan ang kaba sa puso niya.At sumagot sa anak na nakangiti."Wala naman masyado,bilisan muna at lumabas na para mag almusal,gigisingin ko lang ang kapatid mo." Sumunod naman si Frank sa sinabi ng ina at bumababa na,ang puso ni Marie ay napuno ng pag alala at hindi siya mapalagay sa sobrang stressed na talaga siya. Wala siyang pakialam at wala siyang maging ugnayan sa buwesit na taong iyon. Si Emma ay mas maselan sa kanila ni Frank,papalapit na siya sa kama kong saan nakahiga pa ang maliit na katawan,at dipa rin gumagalaw at patuloy parin ito sa pagtulog. "Emma,gumising kana ,oras na para mag almusal,may gatas at tinapay,bacon at hotdog,pati na ang sunny side up na paborito mo." "Ayoko...!sagot naman nang antok pa nang si Emma. "At ang paborito mong green apple.." "Ayoko...ayoko mommy inaantok pa po talaga ako...gusto ko pang matulog please!" Sobrang naiinis na si Emma sa mommy niya,ang maliit nitong labi ay nakanguso na at gusto na nitong umiyak anumang oras. Napabuntong hininga nalang si Marie at wala na siyang magawa.Hawak ang maliit na palda,pinabayaan nalang niya itong nakahiga at tinulungan niyang palitan ng palda ang suot nitong pajama. "Baby,wag kanang matulog pa okay?Ilalabas ka ni mommy para maglaro."nang mapansin ni Marie na wala na silang masyadong natitirang oras binuhat niya nalang ni Marie ang anak at kinarga palabas at pababa sa hapag kainan. Si Frank naman na nakaupo sa harap ng hapagkainan at umiinom ng gatas at may hawak na hotdog ang isang kamay,ay mabilis namang sumigla. Nang mapansin niya si Emma na tulog pa karga ng ina at nakadantay ang ulo sa balikat ng ina ay agad naman sumigaw."Emma!!!ang tamad mo naman para kang tamad na bug..." Si Emma na masarap ang tulog sa balikat ng ina,ay agad pinasisipa ang paa nito sa galit at hinaing niya at napoprotesta. Nagsalita naman si Marie sa anak. "Frank,tumigil kana sa pagsasalita"sinulyapan niya ito na may galit siya sa mga mata niya,gamit ang mga mata ay binalaan niya itong wag nang mang aasar pa. "Emma,gumising kana,bibigyan kita ng maraming gatas okay?"matiyaga namang sinuyo ni Marie ang anak. Itong batang ito ay pinanganak na madaling mapalapit sa iba,at wala siyang natural na pag iisa na kagaya ng kuya niya. Pero naging normal na ito kay Marie na ang anak niyang babae ay masyadong dikit sa kanya. Galit si Emma na ginising siya gad,ang pares ng mata ay naluluha na at masamang nakatitig sa kuya niyam Ginawa namang tsansa iyon ni Marie para mailapat ang baso ng gatas sa bibig nito at nagsimula nadin uminom si Emma ng gatas. Mapakain ang anak na busog palagi ay iyon ang pinapangarap ng bawat ina. Dahil sa pagsubaybay ni Marie sa dalawang bata ay nakakakain ng marami hanggang sa mabusog ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD