Chapter 4: Maynila

1918 Words
HINDI mapigilan ni Nova ang maiyak habang papalayo na ang sinasakyang tricycle. Hindi niya inakalang si Kuya Ronie niya ay tutulungan siyang makalayo at kasama niya pa si Alfred. Niyakap niya nang mahigpit si Alfred at inangat niya ang mukha. Tiningnan niya ang mukha ni Alfred na puno rin ng pag-aalala. Ibinaba nito ang tingin sa a kaniya at hinaplos nito ang kaniyang uluhan. “Okay ka lang ba, Nova?” Tumango siya at bumuntong-hininga, “Maayos lang ako, Alfred. Akala ko talaga ay iniwan mo na ‘ko Pero, narito ka at binalikan mo ‘ko.” Kusa nang pumatak ang luha sa mga mata niya. Dahil malungkot siyang iniwan ang pamilya niya pero masaya rin siyang kasama na niya ngayon si Alfred. Ang ama ng kaniyang batang dinadala. “Pagdating natin sa Maynila ay makikilala mo kaagad ang aking pamilya. Natitiyak kong magugustuhan mo roon.” Sa sinabi ni Alfred ay bigla niyang napagtantong kakayanin ba niya at matutuwa kaya ang pamilya ni Alfred sa pagdating niya. Binalewala niya muna sa kaniyang isipan ang mga problemang kahaharapin. Ang importante sa kaniya ngayon ay kasama niya ang taong pinakamamahal niya at magiging isang pamilya na sila. … Tumakbo pabalik si Ronie sa kanilang bahay upang linisin ang nabasag na baso ng tasa. Iginala niya ang paningin niya sa loob ngunit wala pa ring tao roon sa loob ng bahay nila. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng supot upang doon ilagay ang nagkapira-pirasong baso ng tasa. Sumagi sa isipan niya ang mukha ng bunsong kapatid. Masaya na rin siya para sa kapatid niya kaysa sa mapahamak ito sa kanila. Mag-iingat ka parati, kapatid ko. Sana ay balikan mo rin kami kapag maayos na ang lahat. Bago pa man niya matapos ang nililigpit ay pumasok sa loob ang kaniyang ina na si Carla. Kaagad na inapuhap ng mga mata nito ang presensya ng bunsong anak na si Nova. Naningkit ang mga mata ni Carla ay kasabay rin noon ang pagbundol ng matinding kaba sa dibdib nito. Ibinaling ang tingin nito kay Ronie. “Nasaan ang ‘yong kapatid?” tanong nito. Nadako ang tingin nito sa mga basag na basong tasa at napagtanto ni Nova na baka tinakasan na sila ni Nova. Siya naman ang pagtayo ni Ronie at matiim na tinitigan sa mga mata nito ang kaniyang ina, “Umalis na, po, siya.” “Umalis?” “Opo, iniwan na niya tayo, ‘Nay.” Mabilis na lumabas si Carla sa bahay at pilit na hinahagilap ng mga mata nito si Nova dahil baka nasa paligid lang ang bunsong anak. “Nova! Nova!” sigaw ni Carla at hindi alam ang gagawin nito. Napasabunot sa uluhan nito si Carla at pakiramdam nito ay mababaliw ito kapag hindi nakita si Nova. “Saan siya nagpunta?!” galit na tanong nito kay Ronie. Hindi kaagad nakaimik si Ronie at sa halip ay pinulot ang mga natirang piraso na mga basag ng basong tasa. Palinga-linga sa paligid si Carla at tamang-tama na natanaw niyang parating na ang kaniyang mag-amang sina Juan at Eddie. Kumaripas nang takbo si Carla para salubungin ang dalawa. Napansin ng mga iyon na may problema. Hawak ni Carla si Eddie sa magkabilang braso habang naghahabol nang paghinga. “J-Juan!” “Ano’ng problema, Carla?” nag-aalalang tanong ng asawa. “S-Si Nova! Iniwan na tayo! Umalis siya! Sandali lang akong nawaglit pero pagbalik ko wala na siya!” naiiyak na sabi ni Carla. Tumakbo sila pabalik ng bahay at nadatnan nila si Ronie na nakatayo sa loob habang nakakuyom ang magkabilang palad. “Huwag ninyo na siyang hanapin.” “Ano’ng sinasabi mo, Ronie?!” galit na tanong ng kaniyang ama. Nagtaas-baba ang dibdib ni Ronie dahil sa naipong galit sa kaniyang ama. Hindi kasi nito iniisip ang magiging kapakanan ni Nova. Mga sariling kahihiyan lang nito ang iniisip. “Wala na siya! Umalis na! Tinulungan ko siyang makipagkita kay Alfred. Luluwas na sila ng Maynila para magbuo ng masayang pamilya!” bulalas niya. Sa galit ng ama ay nilapitan siya nito at kinuwelyuhan. Galit na galit at hindi na maipinta ang mukha ni Juan. Lumapit si Edie sa kanilang dalawa dahil alam nitong namumuo ang tensyon sa pagitang ng ama at sa kaniya. “Kuya, bakit mo ginawa ‘yon?!” “Isa ka pa! Pangako natin sa isa’t isa ay aalagaan ang bunso natin. Pero, hinahayaan mong gawin nila Nanay at Tatay ang gusto nila!” Sandaling nanahimik si Edie at aminado itong nagpadala ito nang husto sa galit kay Alfred. Ngunit ang paniniwala ng ama na si Juan ay gusto lamang protektahan si Nova ngunit sa maling pamamaraan na naisip nito. “Hindi mo rin ba naisip ang kapatid mo, ha?! Ano ang ipakakain ng Alfred na ‘yon sa kaniya! Mas mahirapa pa sa daga ang lalaking ‘yon! Walang alam ang kapatid mo sa buhay sa Maynila!” singhal ni Juan. “Patawad, ‘Tay. Pero hindi ko masisikmura na gusto ninyong kitilin ang buhay sa sinapupunan ni Nova,” tugon niya at yumuko. Nag-aalala rin siya sa kapatid niya at hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa isipan niya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Marahas na pinalis ni Juan ang kamay nito sa kuwelyo niya at tinulak siya. “Bilisan mo, Edie! Samahan mo ako at hahabulin natin sila sa terminal. Hindi pa nakalalayo ang kapatid mo!” Lumabas si Juan sa bahay at kaagad na sumunod din si Carla. “Sasama ako!” suhestiyo ni Carla. Tumango si Juan at siya na rin ang pagsunod ni Edie sa ama nito. Nilingon siya ni Edie bago umalis nang tuluyan. Napapikit na lamang siya nang mariin at umupo sa silya. Nagdasal nang taimtim sa maykapal. “Umalis na kayo… hindi kayo dapat maabutan ni Tatay, Nova.” … Binabantayan ni Nova ang bagahe na dala ni Alfred habang nakaupo. Samantala si Alfred ay bumubili ng ticket para sa pagsakay sa bus. Kailangan muna nilang sumakay ng bus papunta ng pier. Sasakay sila ng barko mula sa Negros patungong Maynila. Matapos kunin ni Alfred ang ticket ay tinungo nito si Nova. “Halika na. Baka mahuli tayo sa pagsakay ng barko.” “Salamat, ha. Tatanawin ko itong utang na loob.” Umupo nang pa-squat si Alfred at hinaplos ang kaniyang puson. Napangiti si Nova habang ginagawa iyon ni Alfred. “Para sa magiging anak natin, Nova. Gagawin ko ang lahat para makasama kayong dalawa,” tugon ni Alfred. Tumayo si Nova at binitbit ni Alfred ang bagahe at tamang-tama na mapupuno na ang sinasakyang bus. Naunang umakyat si Nova at sumunod si Alfred. Masaya ang dalawa habang nakaupo dahil excited silang lumuwas ng Maynila. “Ang pinsan mo, maiiwan dito sa Negros?’ “Oo, ayaw niya pa raw umuwi at kailangan niya pang makapag-ipon.” “Saan ka kumuha ng pamasahe?” “Ah… nangutang lang ako. Pinautang ako ni insan.” Samantala nakarating sina Juan, Edie at Carla sa terminal ng bus. Bumaba kaagad sila ng tricycle at mabilis na hinanap sina Nova at Alfred. “Mapapatay ko ang lalaking ‘yon!” galit na sabi ni Juan. Nagkatinginan na lamang sina Edie at Carla. Habang ang sinasakyang bus nina Nova at Alfred ay naghahanda na sa pag-alis. Nagsara na ang pinto ng bus at nagsimulang minani-obra ng Driver ang hawak na manibela. “Aalis na tayo! Wala nang bababa para umihi o ano, ha!” sigaw ni konduktor. Nakita ni Edie ang isang bus na paalis na at sinipat nito ang bawat bintana. Nagbabakasaling makita ang bunsong kapatid. Sa bahaging gitna ay natanaw nito si Nova na nakangiti kasama si Alfred. Nang una ay nakaramdam ito ng galit ngunit napawi iyon nang makita nito kung gaano kasaya si Nova. “Nakita mo ba?!” tanong ni Juan na galing sa kabilang dako. “H-Hindi, ‘Tay,” malungkot na sagot ni Edie. Napansin ni Carla ang papaalis na bus ngunit nakaikot na ang bus at umalis papalayo sa Terminal. “Wala ba siya sa bus na iyon?!” tanong ni Carla kay Edie. Umiling si Edie ng ilang beses bilang sagot. “Wala sila rito,” ani Juan na nanggagalaiti na sa sobrang galit. … Marahang nagising si Nova sa pagtapik ni Alfred sa kaniyang mukha. Kailangan na niyang gumising dahil malapit na silang bumaba ng bus. Pagbaba ay kaagad na sumakay sila sa barko. Aabutin ng dalawang araw ang tatahakin nila patungong Maynila. … Dalawang araw ang nakalipas at narating nina Nova at Alfred ang Maynila. Tuwang-tuwa si Nova sa mga nakikita. Mataong lugar, maraming sasakyan at jeep. Maingay ang kapaligiran at may matataas na mga building. Hindi lingid sa kaalaman niya ang magiging buhay niya roon sa Maynila. “Bakit wala yatang sumundo sa atin?” usisa niya jay Alfred habang nakasakay sila ng jeep. “Biglaan ang pagluwas natin kaya hindi ko na sila inabisuhan,” seryoson sagot ni Alfred. Namilog ang mga mat ani Nova nang makababa sila ng jeep. Ang daming bahay na gawa sa kahoy at dikit-dikit. Maraming tao sa labas at mga batang naglalaro. “Ano’ng lugar ito?” “Ito ang tinatawag na squatter,” nakangiting sagot ni Alfred. Sa Tondo, Manila nakatira ang tiyahin ni Alfred at doon muna sila mananatili habang nagbubuntis si Nova. Binaybay nila ang maliit na eskiita at may nakaharang na nag-iinuman doon. “Uy, Alfred! Ikaw ba ‘yan?” Nanlaki ang mga mata ni Alfred nang makita ang matalik na kaibigan na si Daryl. Tumayo ito at inabutan ng isang basong naglalaman ng gin si Alfred. Napangiti na lamang nang hilaw si Nova. “Kumusta?! Sino ‘yang kasama mo?” magiliw na tanong ni Daryl at inabot ang baso kay Alfred. Mabilis na nilagok ni Alfred ang baso at napapikit nang mariin dahil sa mapait na lasa ng alak. Inakbayan nito ang kaibigang si Daryl at mukhang na-miss nila ang isa’t isa. “Nova, si Daryl nga pala ang kaibigan ko,” ani Alfred. “Magandang araw, Nova. Pasensya ka na at nagkakasiyahan lang kami rito,” tugon ni Alfred. “Daryl siya si Nova, ang nobya ko,” ngingisi-ngising sabi ni Alfred. “Ang yabang! May nobya ka na!” “Siyempre, ako pa ba.” “Bumalik kayo rito at may pagkain sa loob, tol!” “Ano ba’ng me’ron?” “Kinalimutan na ang birthday ko!” tatawa-tawang sabi ni Daryl. Niyakap ni Alfred ang matalik na kaibigan at tinapik-tapik ito sa likuran. Sandaling nag-usap ang dalawa at nagpaalam na kay Daryl. Kailangan nang magpahinga ni Nova dahil pagod na ito sa byahe. Nang marating ang dulo ay roon makikita ang bahay ng tiyahin ni Alfred. “Tao po! Tiya Gina?!” “Sino ‘yan?!” sigaw ni Gina. “Si Alfred, ho!” Nataranta si Gina at lumabas kaagad ng bahay at laking tuwa nito nang makita si Alfred. “Alfred! Napauwi ka?!” magiliw na tanong ni Gina sa pamangkin. Napakamot ng ulo nito si Alfred na tila nahihiya sa tiyahin nito. “Biglaan nga, po. Kailangan ko kasing isama si Nova.” Napako ang tingin ni Gina kay Nova at ngumiti. “Siya ba si Nova?” masayang tanong ni Gina. Tumango-tango silang dalawa kay Gina bilang sagot. Inaya silang dalawa na pumasok sa loob. Masaya si Nova dahil pakiramdam niya ay mababait ang mga kakilala ni Alfred at welcome siya roon. Wala siyang ideya sa mga naghihintay na problemang kahaharapin sa piling ng kaanak ni Alfred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD