NAKAUPO ako sa sala dahil niyaya ni Tiya Gina si Alfred sa kuwarto. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil sa palagay ko ay hindi masaya si Tiya Gina na narito ako. Habang pinagmamasdan ko ang paligid na gawa lang sa barong-barong ang bahay ni Tiya Gina ay napasulyap ako sa mga nakasabit na picture frame sa dingding.
Mga anak siguro sila ni Tiya Gina…
Natigilan ako at napako ang tingin ko sa pinto ng kuwarto dahil narinig ko ang malakas na boses ni Tiya Gina.
“Ano?! Buntis?! Sira na ba ‘yang ulo mong bata ka, ha?!” singhal ni Tiya Gina.
“Tiya, h’wag kang maingay… nakakahiya kay Nova at naririnig ka…”
“Wala akong pakialam! Bahay ko ‘to kaya ako ang masusunod! Tinanan mo pa ‘yan, e, wala ka ngang matinong trabaho! Binuntis mo pa?!” galit na galit na sabi ni Tiya Gina.
Dumarubdob ang kaba ko sa aking dibdib dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay isa akong sampid sa bahay na ito. Napayuko na lamang ako at pinagsalikop ang aking magkabilang kamay. Maging ang pawis ko ay tagaktak dahil sa kaba.
Paano kung palayasin kami ni Tiya Gina at hindi kami tanggapin? Saan kami pupulutin ni Alfred nito…
“Maghahanap po ako ng trabaho, Tiya. Ako ang bahala kay Nova. Sa ngayon, po, ay makikituloy na lang muna kami rito kung papayagan ninyo kami. Pakiusap, Tiya. Nagdadalan-tao si Nova.”
“Bakit kasi nagpaadalos-dalos ka, ha?!”
“Wala na akong choice. Papatayin ako ng kaniyang tatay kapag nakita ako. Isa pa, gustong ipalaglag ng ama niya ang batang dinadala niya,” paliwanag ni Alfred.
“Sige! Pero hindi siya magiging buhay prinsesa rito, ha! Alam mo ang hirap ng buhay rito sa Maynila! Baka akalain niya, e, hindi siya kikilos dito!”
“Oho, Tiya. Bukas na bukas din ay maghahanap na ako ng trabaho.”
Ilang sandali pa ay humina ang boses nilang dalawa at bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang magtiyahin at hilaw na ngumiti sa akin si Alfred. Nang dumako ang tingin ko kay Tiya Gina ay lumapit ito sa akin at umupo sa harap ko. Bakas sa mukha ni Tiya Gina ang hindi sya natutuwa sa nangyayari.
“Nova, alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay rito?” direktang tanong ni Tiya Gina.
Umiling ako, “Hindi, ho.”
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong kalam-alam sa buhay rito sa Manila. Sa probinsya kasi ay kahit mahirap ka lang, hindi mahirap maghanap ng makakain. Lalo na kapag may taniman ka ng gulay na pwede mong pagkuhanan ng makakain sa araw-araw. Aaminin kong mahirap lang din kami at mahirap na kumita ng pera sa probinsya. Kaya nga ang ilan sa mga kapitbahay naming ay lumuluwas dito sa Maynila ang kanilang mga anak.
“Mabuti at alam mo. Simula bukas ay kikilos ka rito. Tutulong ka rito, naiitindihan mo?”
“O-Opo…” mahina kong sagot.
“Ikaw, Alfred. Siguraduhin mong makahahanap ka kaagad ng trabaho. Mahirap magpalamon.”
“Pasensya na, ho, Tiya. Ikaw lang ang malalapitan ko.”
Isang matalim na titig ang iginawad sa akin ni Tiya Gina at tumayo. Bigla na lamang itong umalis at lumabas ng bahay. Saka ako nakahinga nang malalim at pakiramdam ko ay nanghihina at nanlulumo ako. Napansin ni Alfred ang panghihina ko kaya umupo siya kaagad sa aking tabi. Kinuha ang mga kamay ko at hinaplos.
“Okay ka lang ba?”
Hindi ko napigilan ang sarili at naluha ako. Bahagyang nagulat si Alfred sa aking naging reaksyon. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at suminghot.
“B-Bakit ka umiiyak?” nag-aalala niyang tanong.
“Alfred… mukhang hindi yata ako gusto ni Tiya Gina mo?”
“Gano’n talaga si Tiya Gina. Mainit lang ang ulo dahil inasahan niyang mag-aabot ako ng malaking pera. Kaso wala akong naibigay dahil ginamit ko na sa pamasahe at nanghiram pa nga ako sa pinsan ko.”
Niyakap ako ni Alfred at bahagyang nabawasan ang aking pag-aalala. Iginala ko ang paningin sa aking paligid dahil simula ngayon ay kailangan kong makisama sa mga taong hindi ko pa lubusang nakikilala.
Matapos naming kumain ng panggabihan ay nag-boluntaryo na akong mahugas ng plato. Kaming tatlo lang ang nasa bahay at nagtaka ako kung bakit si Tiya Gina lang ang narito.
“Alfred, mag-isa lang ba si Tiya Gina rito?” tanong ko.
“Hindi. May mga anak si Tiya Gina. Nakikita mo ba ‘yong nasa litrato.” Tinuro ni Alfred ang dalawang babae sa picture frame.
“Silang dalawa ang anak niya?”
“Dalawang babae at isang lalaki.” Sabay turo ni Alfred sa isa pang litrato ng batang lalaki.
“N-Nasaan sila?”
“Ah, mamayang gabi pa ang uwi ni Glenda. ‘Yon ang panganay. Si Evy naman ang pangalawa sa magkakapatid. Tapos ‘yang bunso si Marvin. Andoon sa barkada, nakikipag-inuman.”
“Inuman? Ganitong oras?”
“Oo, mabisyo kasi ‘yong pinsan ko na ‘yon. Pagkatapos mo pala riyan magpahinga na tayo. Ayokong mapagod kka nang husto.” Hinaplos ni Alfred ang aking sinapupunan at nginitian ko siya.
Matapos kong maghugas ay sumilip ako sa labas ng bahay. Natanaw ko sa isang tindahan si Tiya Gina na nakikipagkuwentuhan sa mga babaeng sa tingin ko ay mga kaedaran lang din niya. Nabanggit ni Alfred na nasa forty-five years old na si Tiya Gina. Matagal na itong hiwalay sa kaniyang asawa.
Nakatalikod ako kay Alfred habang nakahiga kami sa maliit na kwarto ni Evy. Napapikit ako nang mariin at nagdasal. Sana ay maging maayos ang lahat. Wala akong pagsisisi sa pag-iwan ko sa aking pamilya. Ito ang pinili kong buhay. Ang makasama si Alfred kaya titiisin ko ang lahat ng pagdaraanan ko kahit gaano man kahirap.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Alfred mula sa aking likuran. Naramdaman ko rin ang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking batok kaya nagsitayuan ang aking balahibo.
“Bakit gising ka pa, Nova?” namamaos niyang tanong.
Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa lalim ng aking iniisip. Hinaplos ko ang kamay niya na nakagapos sa ‘kin.
“Hindi ako makatulog…”
“Naninibago ka lang siguro,” sagot niya at hinalikan ako sa aking leeg.
“Alfred…”
“Ngayong gabi lang.”
Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Pagbibigyan ko ba siya gayong matagal na rin ang huli naming pagniig sa isa’t isa. Napaliyad ako noong halikan niyang muli ang aking leeg at marahan niyang dinaklot ang aking dibdib.
“Ahhh…” mahina kong ungol dahil baka marinig kami sa kabilang kwarto ni Tiya Gina.
“Miss na miss kita, Nova. Buong akala ko ay hindi na kita makakasama…”
“Ako rin, Alfred. Mahal na mahal kita…”
Humarap ako kay Alfred ay naglapat na ang labi namin sa isa’t isa. May kung ano’ng milyon-milyong boltahe ang gumapang sa aking buong katawan.
“Alfred… natatakot ako…” kinakabahan kong sabi dahil inaalala ko ang bata sa aking sinapupunan.
“Dahan-dahan lang ako, promise.”
Hinubad ni Alfred ang suot kong duster at ibinaba ang suot kong underwear. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Alfred at hinubad na rin niya ang suot niyang pang-ibaba. Tumambad sa akin ang kaniyang kahabaan at marahan na pinaghiwalay ang magkabilang hita ko. Marahan niyang ipinasok ang kaniya sa aking pagitan. Napaimpit ako at napapikit nang mariin. Dahan-dahan siyang umulos at mahinang umusal.
“Ahhh… Nova…”
“A-Al…fred…”
KINABUKASAN...
Maaga kaming nag-almusal ni Alfred sa labasan dahil kailangan niyang umalis. Nakaupo kami sa isang kainan habang abala ang mga tao sa kani-kanilang gawain.
“Grabe… ang daming tao rito, noh?” singit ko habang ngumunguya ng sinangag.
“Matao talaga rito sa Tondo, love. Kaya medyo maingay lang at magulo. Pero maayos naman kasi kapag kilala ka ng mga tao rito hindi ka nila gagalawin.”
“Uy, ‘Tol!” bulalas ni Daryl kay Alfred.
Mabilis naming nilingon si Daryl na siyang kaibigan ni Alfred. Siya ‘yong nakikipag-inuman kahapon kung natatandaan ko.
“Uy, Daryl! Ang aga natin, ah!” ngingisi-ngising bati ni Alfred.
“Hi, Nova.”
“H-Hello…” bati ko at muling ibinalik sa pagkain ang aking atensyon.
“Saan lakad mo, ‘tol?” tanong ni Daryl kay Alfred.
“Maghahanap ng trabaho. Tara, kain tayo.”
“Sige, wala pa akong gana, tol. Sakit ng ulo ko, e. Si Erpat! Nagwala kahapon!”
Tumabi si Daryl kay Alfred at nanghingi ng malamig na tubig sa tindera.
“Bakit? Ano nangyari?” usisa ni Alfred.
“Ayon, natalo sa sugal. Nag-away sila ni Ermat. Nga pala, ‘di ka bumalik kahapo, ah. Sabi ko naman sa ‘yo, balik kayo ni Nova.”
“Naku, nakalimutan ko. Hayaan mo sa susunod— babawi ako sa ‘yo. Pagod na kasi ‘tong isa kaya maaga kaming nagpahinga.”
“Maagang nagpahing o bumuo ng bata?” tatawa-tawang biro ni Daryl.
“Gag*o! Kumain ka na kaya!” tatawa-tawang sagot ni Alfred na ngayon ay namumula sa hiya.
“Joke lang ‘yon, ah, Nova. Ganiyan talag kami magbiruan nitong si Alfred.”
Ngumiti lang ako nang tipid kay Daryl at bumalik sa pagkain.
“Kukunin kitang ninong, tol…” bulong ni Alfred.
Nanlaki ang mga mata ni Daryl mukhang alam n anito ang ibig sabihin ni Alfred. Inakbayan ni Alfred si Daryl na patuloy pa ring nag-iisip.
“Ano, payag ka?”
“Hindi nga, tol. Huwag mong sabihin may laman na ‘yan?” naniniguradong tanong ni Daryl.
Tumingin silang dalawa sa gawi ko at tumango ako kay Daryl bilang sagot.
“Naks naman! Nauna ka pa talaga. Walang problema!” sagot ni Daryl.
Nang matapos na kumain si Alfred ay nagpaalam na itong aalis. Hindi ko na siya inabala pa na ihatid ako papasok ng looban. Naiwan kami ni Daryl na pinapanood si Alfred sa paglalakad palayo. Nang mawala na si Alfred ay nagkatinginan kami ni Daryl.
“Congrats pala sa inyo. Kapag kailangan mo ng tulong o kaya si Alfred. Magsabi lang kayo sa ‘kin.”
Napangiti ako sa sinabi ni Daryl dahil mabait naman palang kaibigan si Daryl.
“Salamat, ha. Sige mauuna na ako.”
“Sige, ingat sa paglalakad. Madulas ang daan. Doon muna ako sa labasan.”
Nagkahiwalay kami ni Daryl at umuwi na rin ako kaagad ng bahay. Nadatnan ko sa labas si Tiya Gina na nag-aasikado ng mga labahin. Nag-iipon ito ng tubig sa mga batya na gagamitin.
“O, saan ka galing? Kanina pa ako naghahanap sa ‘yo?” masungit na tanong ni Tiya Gina.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko habang nakatayo.
“Sinamahan ko lang, ho, si Alfred na mag-almusa, Tiya Gina.”
“Mabuti naman at busog ka na. Maselan ka ba sa paglilihi?”
“H-Hindi naman, ho.”
“Aba’y Mabuti! Kapag nagselan ka, e, mahihirapan ka dahil wala namang pera ‘yang pamangkin ko.”
Nanatili akong tahimik at natigilan noong umupo siya at inangat ang tingin sa akin. Tila nagtataka siya kung bakit pa ako nakatayo.
“Ano ang tinatayo-tayo mo riyan? Umupo ka na rin at tulungan mo akong magkusot dito.”
Namilog sandali ang aking mga mata at mabilis na umupo sa bangkito. Kaagad akong kumuha ng damit na kukusutin. Wala namang problema sa akin ito dahil sanay akong magkusot.
“Mabuti naman at sanay kang maglaba?”
“O-Opo. Naglalaba, ho, kami sa sapa ni Nanay.”
“Nanay? Buhay pa ba sila?”
“Opo, silang dalawa,” tipid kong sagot.
“Mabuti naman at parati ka nang tutulong sa akin sa paglalabada.”
Maya-maya pa ay may lumabas na dalaga sa loob ng bahay ni Tiya Gina. May mga bitbit itong damit na mukhang labahan na.
“S-Sino siya?” mataray na tanong nito sa akin.
“Siya si Nova ang naikwento ko sa ‘yo. Ang girlfriend ni Alfred na binuntis at tinanan!”
Napayuko ako dahil hiyang-hiya ako sa lakas ng boses ni Tiya Gina. Laking gulat ko pa noong itapon sa akin ng dalaga ang mga hawak na damit nito.
“O, ayan. Labhan mo ‘yang mga damit ko nang may silbi ka rito, ha?”
Inangat ko ang tingin ko sa dalaga at umalis din ito kaagad. Isa-isa kong pinulot ang mga damit at inilagay sa basket na walang laman. Ang bastos naman ng babaeng ‘yon. Kailangan niya bang ibato sa akin ang mga dala niya? Naiinis kong sabi sa aking sarili.
“Sundin mo na lang kung ayaw mo ng gulo. Siya ang panganay kong si Glenda.”
Natigilan ako sa pagkukusot dahil siya pala si Glenda. Ang panganay na anak ni Tiya Gina. Binanggit ni Tiya Gina na nasa twenty-five years old na si Glenda. Ganoon ba talag ang ugali ni Glenda o baka may pinagdaraanan lang din.
“Matapos mong magkusot d’yan ay ihiwalay mo ang mga damit ni Glenda, ha. Kasi itong mga ‘to— labada ito sa kapitbahay.”
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Wala akong karapatang magreklamo dahil nakikisama lang ako at nakikituloy. Kapag nagkatrabaho na si Alfred ay aalukin ko siyang maghanap ng sariling matitirhan.