PAGKAALIS NANG PAGKAALIS ni Alfred ay naiwan na naman akong mag-isa at umalis na naman si Tiya Gina. Ako lang ang tao ngayon sa bahay. Iniwanan lang ako ni Alfred ng singkwenta pesos para pambili ng ulam ko. Paano kasi ay wala rin siyang pera at kailangan niya iyon sa pag-apply sa trabaho. Napahinto ako nang sumagi sa isipan ko ang aking pamilya. Alam kong kinsusuklaman nila ako ngayon dahil sa pagsama ko kay Alfred. Malaki ang pasasalamat ko kay Kuya Ronie sa pagtulong sa ‘kin. Hindi ko sasayangin ang ginawa niya para sa ‘kin. Balang-araw ay babalik ako at ipagmamalaki ang sarili ko sa kanila. Ngunit sa ngayon ay kailangan kong magtiis muna sa mga kamag-anak ni Alfred. Nagpasya akong lumabas para magpahangin. Nakita ko si Cyrille sa labas ng kanilang tindahan. “Ang malanding ‘yon…” bu

