NAKAUPO ako sa labas ng bahay ni Tiya Gina at dapit-hapon na ngunit wala pa rin si Alfred. Napako ang tingin ko sa mga bahay na magkakadikit. Ang lala pala rito dahil marumi ang estero. Maraming lamok, maingay, kabilaan ang nagsisigawan at nagmumurahan. “Alfred... saan ka na ba?” bulong ko sa sarili at palinga-linga. Namilog ang mga mata ko nang makita kong parating na si Alfred. Nakangiti ito kaya naman tumayo kaagad ako para salubingin siya. Naglakad ako palapit sa kaniya ngunit napahinto ako. “Alfred—” Sumulpot mula sa kaniyang likuran si Cyrille na may subo-subong lollipop at malagkit ang tingin sa nobyo ko. Nagtama ang tingin namin ni Cyrille at ngumiti lang ito nang pilya. “Mauna na ako, ha, Alfred,” ani Cyrille. “Ah, sige, Cyrille.” Nilagpasan lamang ako ni Cyrille na par

