TINANGGAP KO ang perang inabot ni Tiya Gina at binilang ko ito. Laking gulat ko nang three hundred pesos lang ang inabot niya sa ‘kin. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko sa inis. Muli kong binilang ang pera at baka nagkamali lang ako sa pagbibilang ngunit, three hundred pesos lang talaga ang lahat ng hawak kong pera. Maamang ko siyang tiningnan dahil hindi ako masaya sa inabot niyang pera. “Bakit? Ano’ng tinitingin-tingin mo? Aba, h’wag mo akong matitigan nang ganiyan.” “Tiya, bakit, ho, three hundred lang to? Ang dami kong nilabhan ngayong linggo. Tapos heto lang ang matatanggap ko? Pati pamamalantsa ko— hindi biro ang pagod ko, Tiya Gina.” Nagpamaywang si Tiya Gina at pinandalatan ako ng mga mata. Handa na itong sumabog na parang bulkan anumang sandali. Nagkasalubong ang magkabila

