Chapter 11.5: DUGO

1115 Words

DUMARUBDOB ang matinding kaba sa aking dibdib noong makita ko ang spot na dugo sa aking undies. Bakit may dugo sa undies ko. Hindi kaya dahil sobrang pagod ko at stress. Kailangan ko itiong sabihin kay Alfred kapag umuwi siya mamaya. Kinakabahan ako at hindi pa ako nakakapagpa-check-up. Naghugas ako ng ibabang bahagi ko at dali-daling lumabas ng banyo. Nadatnan ko si Marvin sa labas na tila naghihintay. Tagaktak pa ang pawis ko dahil sa nerbyos. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot ko. “Kanina ka pa ba riyan?” tanong ko. “Ah, hinid, kararating ko lang.” “S-Sige… akala ko naghintay ka nang matagal.” Umiwas na kaagad ako kay Marvin ngunit napahinto ako sa paglalakad noong hinawakan niya ako sa aking braso at nilingon ko siya. Napako ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang braso ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD