HABANG naglilinis ako ng bahay ay siya naman ang pagdating ni Alfred at may dala itong mga pagkain. Laking gulat niya noong makita si Marvin sa tabi ni Tiya Gina. “Uy, insan! Andito ka na?!” maligayang bati ni Alfred at dumiretso sa mesa para ilapag ang mga dala. Lumapit ako sa kaniya at nakangiti. “Kanina lang, insan. Ikaw, ha, may chiks ka pang dinala rito,” tatawa-tawang biro nito. “Ah, si Nova. Buntis siya at magkakaanak na kami.” “Nova, isuot mo ang helmet mo, ah. Insan Alfred, huwag mo hubain helmet niyan. Baka mauntog! Ha-ha-ha!” Maging si Alfred ay ngingisi-ngising tiningnan ako. Inabot niya sa akin ang mansanas niyang dala. Ang bait ng kasintahan ko dahil may pasalubong pa. “Siraulo ka, Marvin! Baka mamaya mauntog talaga si Nova, malalagot ka sa ‘kin!” Tiningnan niya ako

