If I had to live my life without you near me The days would all be empty The nights would seem so long With you I see forever, oh, so clearly I might have been in love before But it never felt this strong Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago tuluyang tinahak ang kulay pulang carpet patungo sa gitna. Naglakad ako sa marahang paraan, hawak ko pa sa dalawang kamay ang isang kumpol ng bulaklak. Samantala, bilang gabay ay nasa magkabilaan kong gilid sina Mama at Tito Joaquin. Hawak nila ang dalawang braso ko, kung saan dama ko ang pag-iingat at pag-alalay nila sa akin. "I'm so happy for you... anak," pahayag ni Tito Joaquin dahilan para sabay kaming matigilan ni Mama. "Anak ka ng asawa ko, kaya anak na rin kita." Mahina itong natawa dahilan para matawa rin kami ni

