"Totoo bang isinuko mo ang The Great Miller Industry?" alanganing tanong ko kay Levi, kasabay nang pagbuntong hininga ko. Naroon pa rin kami sa labas, nananatiling magkasama habang magkasabay na tinatanaw ang kalangitan— ang buwan at bituwin na siyang saksi sa pagiging payapa namin ngayon ni Levirence. Tantya ko ay pasado alas otso na ng gabi, marahil din ay pinatulog na ni Levi si Karma at ngayon ay si Mama naman ang nagbabantay kung kaya ay may pagkakataon siyang bumaba rito. "Oo, iyon na lang ang nakikita kong pag-asa. Lugmok na lugmok kaming dalawa ni Jaxon noon, kasi wala na kaming maisip na paraan. Kahit sina Papa ay hindi na magawang makipagmatigasan sa pamilyang Valerio, they have underground business. Karamihan pa sa kanila ay mga mafia. So, kung hindi makuha sa santong dasalan

