Nasabi ko na ba ngayong— this is the best among the best of my life? Ewan ko, para na akong baliw sa kangingiti ko. Ilang oras na 'yung lumipas simula nang tanggapin ko ang proposal ni Levi, pero mukha pa rin akong tanga na nagde-daydream at ini-imagine kung anong klaseng kasal naman ngayon ang mangyayari. Well, masaya pa rin naman ako na hindi ganoon ka-enggrande. Kahit maulit iyong una na pari at kaming dalawa lang ang naroon ay ayos na sa akin ngunit sa palagay ko, ngayon na alam na ng pamilya ni Levi ay hindi ganoon ang mangyayari. Matapos kong um-oo kay Levi ay nagmistulang may nanalo sa lotto kanina dahil sa sabay-sabay nilang paghiyawan na kahit si Mama ay hindi nagpatalo at pinakalampag pa ang dalawang takip ng kaldero. Napahinga ako nang malalim, katatapos lang namin kumain ng

