"Yes, that's right! Uh-huh!" sigaw ni Mama habang sinasabayan ng pag-indayog ang musika. Siya namang paggaya ko rito sa kung paano ito kumendeng, gumiling at sumayaw. Narito kami ngayon sa sala, alas otso pa lang ng umaga kung kaya ay naisipan na naman niyang mag-zumba, kasama ako. Ang sabi niya kasi ay mas maganda raw ito, marami ang magiging benepisyo sa akin lalo na ngayong nakararamdam ako ng Postpartum depression. Kaya sa ilang linggo na nagdaan ay purong ganito ang bungad ko sa umaga. Si Mama ang naging instructor ko sa pagsayaw, na kahit gaano katigas ang katawan ko ay matiyaga ako nitong tinuturuan. Wala akong ibang naririnig kung 'di ang pagsigaw-sigaw niya sa akin na ang lamya ko raw gumalaw. Aba, pasensya na at hindi naman ako natural na dancer. Hindi naman ako naturuan noon

