Palagi kong naitatanong sa sarili; may mali ba sa akin at kung bakit ko ito kailangang pagdaanan? Bakit pakiramdam ko ay ako palagi iyong nasasaktan? Ako palagi 'yung luhaan bandang huli. Alam ko na sobrang laki ng pagkakamali ko noong sinaktan ko si Thalia para kay Jaxon, pero bakit naman ganito? Tila ba ang tindi ng galit sa akin ng mundo at nararanasan ko ang mga bagay na 'to. Ilang luha pa ba ang dapat na masayang, bago ko makamit iyong kasiyahang hinahanap ko? Ilang chance pa ba iyong maitatapon ko para sa walang kwentang tao at bagay? Masyado ba akong naging kampante? O sadyang tanga lang talaga ako para paulit-ulit lang na magpaloko? Sa sobrang utu-uto ko ay ang daling bilugin ng ulo ko, ang dali lang nila akong saktan. Hindi ko alam kung sino ba iyong mali. Ako ba na nagmahal l

