Dumating ang kinaumagahan kung kailan ang nakatalagang flight ni Mama papuntang States, samantala ay kasabay naman namin sa airport sina Evan at Thalia, kasama ang kanilang anak na si Efren. Kinakabahan ako, knowing na tumatakas ako sa isang malaking iskandalo. Nagmistulan lang akong isang kriminal na pinaghahanap at ngayon ay pilit akong itinatago para hindi mahuli. Ganoon pa man ay pumayag na ako sa desisyon ni Levi, naiintindihan ko na para rin ito sa amin ng batang dinadala ko dahil hindi ko rin naman kakayanin kung pati ang anak ko ay madamay sa gulo. Baka hindi matapos ang galit sa puso ko kapag nagkataon, baka walang katapusan ang paghihiganti ng bawat isa sa kapwa niya. Mas okay na iyong may nagpaparaya at umiintindi. Kahit labag sa kalooban ko na mahiwalay kay Levi ay wala na

