NAKANGITI si Amira nang makita kung gaano karami ang mga estudyante na nag-participate sa Environment Fair nila. Bagamat mga estudyante ang target nila, naki-participate na rin ang ibang mga Sagada bilang pagpupugay sa namayapang si Don Alfonso Banal. Dapat ay simpleng activity lang iyon para sa mga bata pero di pumayag ang mga kapatid niya. Sinimulan ang araw na iyon sa isang parada at palatuntunan na dinaluhan ng mga taga-Sagada, mga tauhan ng Banal Mining at mga mag-aaral. Present din ang mga opisyal ng bayan. May tree planting din nang umaga at may cooking show para sa mga nais ng iba’t ibang putahe ng gulay na si Francois ang nanguna. May trade fair sa labas na nag-e-exhibit ng iba’t ibang organic na produkto at recycled products. Ipinagmamalaki kasi ng Sagada ang zero-waste managem

