Chapter 170

1513 Words

“Amira, baka naman pwedeng may ibang isuot o kaya ibang role,” kakamot-kamot ang ulong sabi ni Jairus. “Mabilis naman akong matuto. Kuya mo naman ako, ‘di ba? Baka pwede mong i-consider.” “Sure. ‘Yung fairy costume,” nakangiti niyang sabi. Nagtawanan ang iba. Mahirap nga naman ma-imagine na ang makisig na si Jairus ay magsusuot ng fairy dress. Inakbayan ito ni Brian. “Pwede kitang pahiramin ng pink na wig na ginamit ni Angel sa school program nila nang mag-Lady Gaga siya. Bagay iyon sa iyo.” “Di ka rin mayabang, pare. Ikaw nga itong unang nagtakip kanina.” “So… who wants the fairy costume?” “Ako!” sabay na sagot nina Pierce at Alex na pareho pang nagtaas ng kamay. Naglaban ang tingin ng dalawa. Handang paglabanan ang most coveted role para lang di makapagsuot ng bahag ang mga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD