"Hindi ba mahigpit ang belt sa iyo? Baka di ka na makahinga,” anang si Mabel at in-adjust ang belt na ginawa nito sa dress niya. "Eksakto lang. Salamat, Mabel. I love the colors." Gawa ang belt sa pinaghalo-halong beads at semi-precious stone. Parang di iyon bagay sa isang ordinaryong araw lang. Maging ang maxi dress na suot niya ay si Mabel din ang nagbigay. Napansin niya na puyat pa ito dahil tinapos ang belt niya. Her sister was really good. At nakakatuwa na pinaghirapan pa nito ang isusuot niya sa araw na iyon kahit di naman niya hinihingi. Sorpresa daw iyon. Pumalakpak si Yumi na nasa silid. “Ang galing naman ni Mabel. Basta tatawag ka kung male-late ka ng uwi, Amira.” "Ate Yumi, hayaan mo sila ni Tsef Aklay. Date lang sila nang date at nang maging masaya si Tsef at dalhan ulit

