IT was a bit surreal. Hindi makapaniwala si Amira na siya pa ang magpapakain sa may limampung mga tauhan sa minahan. Samantalang ilang araw lang ang nakakaraan ay tinutulan niya ang pagpapatuloy ng operasyon doon. Nasa nursery sila ng mining site at namimitas ng gulay ni Francois. He was singing this French love song, at least it was a love song with all the amour coming from his mouth. At kung mamitas ito ng mga sitaw at iba pang gulay ay akala mo bulaklak ang pinipitas nito. She would have appreciated his serenade if not for the scenario she was into. Hindi niya alam kung bakit sa Banal Mining pa siya idinala ni Francois para sa unang araw ng date nila. Date? Is this his idea of a date? “Tapos ka na bang mamitas diyan?” tanong nito sa kanya at nilingon siya sa may taniman ng talong

