Amira, sori d n kita naipghanda ng agahan. Tinanghali ako ng gising. Sabagay si Aklay na magppkain sa iyo. Enjoy your day J - Ate Yumi Amira, tinanghali ako ng gising. Ok lng b ang damit mo para sa date nyo ni Chef Aklay? - Mabel I hope ur outfit is not baduy today. Wat a shame pag binalik ka ni Chef sa amin – Ailene Akin n lng twit bred mo. Ewan ko bkt mo knakain ito. Gawa ito sa ibon. Di ba beigetaboltaryan ka? Pkasaya kyo ni Tsef – Berry Di maiwasang mangiti ni Amira habang binabasa ang text messages ng mga kapatid niya. Di na siya naabutang gising ng mga ito dahil tulog pa ang mga ito nang sunduin siya ni Francois sa mansiyon. Nakainom ang mga kapatid niya at ang iba naman ay lasing na lasing. May dumadrama na nga habang nagvi-videoke dahil sa kalasingan. Pero may mabuti ring na

