Matapos kumanta ni Ailene ay nagulat na lang siya nang makitang nasa harpa niya ito at binigyan siya ng naghahamong tingin. Kanina pang pagpasok niya sa entertainment room pailalim ang tingin nito at sigurado siya na may kinalaman iyon kay Marco. “Too scared to beat that?” ani Ailene kay Amira sabay turo sa score nitong ninety. Tipid na ngumiti lang si Amira. Naman! Siya pa ang hinamon nito sa videoke. Di ba nito alam na tirador siya ng high score. Kinuha ang mikropono mula dito at isinalang ang “All I Ask of You” na soundtrack ng Phantom of the Opera. At ngumisi siya nang makitang ninety-three ang score niya. Umingos si Ailene. “Tsamba!” “Warm up pa lang iyan,” nakangisi niyang sabi at pinindot ang mga pamatay niyang kanta nina Debbie Gibson at Tiffany. Parehong ninety-five ang sco

