“Bakit ako ang isasama ni Papa sa business meeting niya kay Mr. Villar at hindi ikaw, Ate Yumi? Kasama siya sa mga shareholders ng hotel mo,” tanong ni Amira habang isinusuot ang pearl earrings nang puntahan siya ng kapatid sa kuwarto. Naghahanda na siya noon para sa dinner nila ng ama kasama ang business associate nito at di niya maiwasang tanungin ang kapatid tungkol sa business associate ng ama. “Hindi ko rin alam, Amira. Basta ang sabi ni Papa tiyakin ko daw na maganda ka sa dinner na ito.” Tiningnan siya ng kapatid mula sa buhok niya na naka-chignon hanggang sa red long sleeve scoop neckline niyang dress hanggang sa itim niyang sapatos. “Now you look good. Halika na. Kanina ka pa hinihintay ni Papa.” Matapos magpasalamat sa kapatid ay sinamahan niya ang paa sa sala. Matapos siyang b

