"MA'AM Amira, ano po kayang mangyayari kay Sir Romualdo? Kasi may OIC na inilagay ang board. Madami po kasing usap-usapan dito tungkol sa kanya na aalisin daw siya nang tuluyan. Ano po sa palagay ninyo?" Kagat ng sekretarya ni Amira na si Brynette ang pang-ibabang labi habang nakatayo sa harap niya. Inangat ni Amira ang paningin mula sa pinapipirmahan nitong papers sa kanya sa gastos nila sa research. Tatlong araw na mula nang bumalik siya sa trabaho at sinusubukang maging normal ang lahat. Alam naman niyang tahimik na pinag-uusapan ng mga empleyado ang tungkol sa nangyari sa boardroom meeting nila. Wala lang direktang nagtatanong sa kanya bilang respeto pero napuno ng espekulasyon ang kanilang opisina dahil na rin sa mga pagbabago nitong nagdaang mga araw. Si Brynette lang ang may lakas

