“Ano? Hindi mo tatanggapin ang inaalok ni Chef Aklay na mag-date kayo ng limang buwan para pumayag ka sa proposal niya?” Napangiwi si Amira sa pagsigaw ng kaibigang si Estephanie. Sa tinis ng boses nito ay parang mababasag ang eardrum niya. Inilayo niya ang cellphone sa tainga bago siya tuluyang mabingi. Nasa Masferre’s Café siya nang mga oras na iyon at nagtsa-tsaa. “Esteph, kumalma ka lang. Magpapaliwanag ako.” “Tse! Huwag ka nang magpaliwanag. Pumunta ka na lang dito sa bahay para mai-umpog ko ang ulo mo sa pinakamalaking pine tree sa buong Sagada. Hindi ko alam kung nasaan ang utak mo. Nandoon na. Abot mo na ang tagumpay. Ewan ko nga kung bakit mo pa pinag-iisipan. Sana um-oo ka na lang agad. Ano na naman ba ang drama mo?” Bumagsak ang balikat niya. “Hindi ko yata kaya. Malalaga

