“Gaya nga ng nasabi ko, kailangan ko ng tulong sa special project na ipe-present ko sa Banal Mining five months mula ngayon.” Inabot niya ang kaparehong presentation na ibinigay niya kay Francois nang nakaraang gabi. “I am planning to propose that Banal Mining stop mining those three areas. And I want to offer alternative projects where the company can earn just the same.” Tumango-tango si Marco matapos magbasa. “Nice proposal. Unfortunately, hindi ko alam kung paano kita matutulungan dito. Banal Mining is solid. Nalaman mo na siguro iyan nang harapin mo sila nang nakaraan.” Huminga siya ng malalim. “That’s why I want to shake them from the outside. Kung makakapangampanya ka laban sa minahan at makakakuha ng suporta mula sa private sectors pati na rin sa mga masa, sigurado ako na ikokons

