Hindi maalis-alis ang kaba ni Amira habang nakaupo katabi ni Tamika. Nasa likuran nila ang iba pang mga Lambayan. Unang tinalakay ng mga ito ang tungkol sa gagawin sa mga libro at gamit pang-eskwela na ilegal na idinala ni Kimea sa Kanayama. Nakaupo na ang kapulungan sa mistulang entabladong gawa sa kahoy na nasa harap ng sinindihang bonfire. Iyon ang senyales na isang pagpupulong ang isinasagawa. Papatayin lang ang apoy kapag tapos na ang pagpupulong. “Tagalabas,” tawag ni Apo Semblat sa kanya. “Tungkol saan ang mga librong inuwi ni Kimea dito?” Walang sinuman sa mga ito ang gustong magbuklat sa libro para tingnan ang laman dahil natatakot marahil ang mga ito na ma-contaminate ang isipan ng mga ito kapag nakita ang nasa loob. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa pagbibilang, iba’t ibang ka

