Amira felt rejuvenated. Nang makapagbabad siya sa tubig ng talon ay napayapa ang pagod niyang kaluluwa. Iyon siguro ang epekto di lang ng tubig ng talon kundi maging ang kagandahan nito. Niyayang siyang maligo doon nina Idang Asra at Kimea. Di na lang niya pinansin ang disgusto sa mata ng mga taong nasalubong nila. Nakasagutan pa niya ang mandirigmang si Sikandro na nagsabing baka ma-contaminate ang sagradong talon dahil sa kanya. Natameme lang ito nang sabihin niyang ang lagay ay mas makapangyarihan pa siya sa sagradong talon. Nagkakawkaw siya ng paa nang marinig niyang kumakanta si Kimea. Ang awit ng papuri para sa sagradong talon. Ngumiti siya dahil sa kabila ng enthusiasm nito ay may sumasablay pa rin dito na tono. Kailangan pang hasain. Akmang sasabayan niya ito para mai-guide ito s

