Chapter 132

1343 Words

NAKAPIKIT si Amira habang kinakantahan ang Idang Asra niya ng isang oyayi na pampatulog. Nakapikit na ito habang nakangiti. Payapa ang anyo nito. Sa hapunan ay sabay silang kumain. Ito pa mismo ang nagsubo sa sarili. Malala na ang kondisyon ng lola niya. Ang alaala nito ay noong dalawampung taon pa ang nakakaraan. Parang nawalan na rin ito ng ganang mabuhay. Ang pinsan lang niyang si Tamika ang nagtitiyaga sa pag-aalaga dito. Para sa lola niya ang mga halamang gamot na inaani sa kabilang ibayo dahil isa sa mga Lambayan lang ang nakakapagpatubo ng ganoong halaman at wala daw sa Kanayama. “Napakaganda pa rin ng boses mo,” sabi ng lola niya. “Kayo po kasi ang nagturo sa akin,” aniya at hinaplos ang noo nito. Parang ito rin naman ang nagturo sa kanya dahil ito ang nagturo sa nanay niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD