NAKATAYO sa tabi ng bintana si Amira habang pinagmamasdan ang pagtagos ng sikat ng araw mula sa makapal na ulap. It was a bit gloomy. Umuusok din ang bibig niya dahil sa lamig ng panahon. Alas sais pa lang ay gising na siya. Nagpa-serve na lang siya ng agahan sa kuwarto niya. Wala namang utos si Don Alfonso na kailangan nilang magsalo-salong magkakapatid sa agahan. Ayon nga sa kawaksi na natanong niya, bukod kina Yumi at Vera Mae na lumaki sa mga Banal ay naghihilik pa ang ibang mga kapatid niya. Naka-empake na ang mga gamit niya. Ang kailangan na lang niya ay makausap si Don Alfonso. Nagpalipas siya ng oras sa pagbabasa ng dokumentong kailangan niyang i-present sa don. Paraan din niya iyon para hindi na maisip pa si Francois. That man was like a curse. Nawala ang antok niya dahil sa h

