“It won’t compensate the damage that will be done to this town. Isang agricultural town at eco-tourism destination ang Sagada. Hindi babagay ang minahan dito,” argumento ni Amira sa kay Don Alfonso Banal. “Marami na akong nakitang mining companies na sinasabing responsible sila pero sa huli, walang kahit anong halaga ng ginto o pilak na maaring makapagpabalik sa nasirang ganda ng kalikasan at pagkalason nito. It is not worth it. At don’t give me that responsible miner act. Alam natin na hindi kasing linis ang Banal Mining Corporation gaya ng ipinapangalandakan ninyo. Alam natin na hindi malinis ang mga Banal.” Matiim lang siyang tiningnan ni Don Alfonso. Hindi ito kumibo subalit alam niya na pareho sila ng iniisip. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Twenty-four years ago, ginawa ni Alfie

