PANAY ang hugot ng hininga ni Amira habang tinatambol ang takip ng nilalang basket na naglalaman ng black beans. Patungo siya sa bahay ni Francois habang sakay ng van na minamaneho ni Manong George. Ito na ang araw na hinihintay niya. Ang araw na magpo-propose siya kay Francois. “Nanaginip ng gising, nakatulala sa hangin. Nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin,” palahaw ni Berry sa bandang likuran ng sasakyan at sinasabayan ang kanta ng Aegis sa mp3 player ng sasakyan. At sinabayan naman iyon ng ibang mga kapatid niya na kuntodo ang birit. “Hoy! Galaw-galaw baka ma-stroke,” untag sa kanya ni Vera Mae at siniko siya. “Kinakabahan na nga ako. I am trying to channel my inner calm,” sabi niya at huminga ulit ng malalim para mabawasan ang kaba. “Hindi pala ganito kasimple ang ma

