Hindi makapaniwala si Amira na dalawang taon na mula nang magkakila-kilala silang magkakapatid sa isang dinner na ihinanda ng Lolo Alfonso nila. Kaya naman para sa taong iyon gaya nang nakaraang anniversary ay isang dinner ang isinagawa nila kasama ang ama. Kasama na nila sa dinner ngayon ang mga asawa ng mga kapatid at ang anak ng mga ito. Dalawang taon lang ang nakakaraan ay nagpakasal na agad ang mga kapatid niya. kaya naman ang dating tahimik na bahay ay punong-puno ngayon ng ingay at iyak maging tawanan ng mga bata. Para sa isang lalaki na di naman naranasan na mag-alaga ng mga sanggol, mukha namang nag-e-enjoy ang amang si Alfie. After all, he was a spoiler for a grandfather. Mukhang binabawi nito ang mga panahong di sila naalagaang magkakapatid sa mga apo nito. And she guessed tha

