Chapter 13

842 Words
Hindi alam ni Amira kung paano siya nakakatagal na umupo sa hapag kainan kasama si Don Alfonso, ang madrasta niyang si Carrie at ang iba pa niyang mga kapatid. Matapos ang sagutan nila ni Ailene kanina ay pinili niyang manahimik at mag-obserba na lang. Ang saving grace lang siguro ng hapunang iyon ay ang masarap na pagkain. Sino ba ang tagaluto ng mga Banal? Kung sinuman ito, dapat siguro niyang kamayan ito at pasalamatan bago umalis sa mansion. Smooth naman ang kwentuhan ng mga ito hanggang narinig na lang nila ang biglang pagbagsak ng kubyertos sa plato ni Mabel. “Ang sabi ko gusto ko ng mushroom soup? Anong klaseng mushroom soup ito? Puro berde. Wala man lang mushroom.” Nagkatinginan sila ng iba niyang kapatid dahil di niya inaasahan ang pagdadabog nito. Alam niya na may pagka-señorita ito pero all-in-all ay isa pa ring tahimik na probinsiyana ang imahe nito. “Masarap naman ang soup kahit hindi mushroom soup,” sabi ni Carrie. “I don’t care. Gusto ko ng mushroom soup!” angil ni Mabel. “Sino ang cook ninyo dito? Magrereklamo ako! Ayoko sa lahat ay iniinsulto ako.” Pigil na lang na ngumiti si Amira at nagpatuloy sa pagkain. So the promdi señorita has a temper after all. Sinenyasan ni Carrie ang punong kawaksi na si Manang Coring. “Pakitawag si Aklay dito,” utos nito. Biglang kumabog ang dibdib niya. Si Aklay. Pupunta doon si Aklay. Bigla siyang uminom ng tubig para pakalmahin ang t***k ng puso niya. Hindi ito mawala-wala sa isip niya kanina mula nang umalis ito sa kuwarto niya. Hindi niya alam kung bakit samantalang naiirita naman siya dito. Kinakabahan lang ako dahil mukhang siya ang henchman ng mga Banal. Paano kung utusan itong balian ng kamay ang tagaluto dahil sa reklamo ng malditang si Mabel? Hindi siya papayag. Bukod sa environmental violation ay idadagdag pa niya ang human rights violation sa reklamo niya sa mga Banal. Maya maya pa ay pumasok ng dining area si Francois. Nakasuot ito ng black apron at nakapusod ang lagpas-balikat nitong buhok. “Ipinatawag po ninyo ako?” “Ikaw ba ang cook dito?” marahas na tanong ni Mabel at inangat ang bowl ng soup. “I asked for mushroom soup. Hindi berde soup.” “I am sorry, Miss. Pero hindi po panahon ng mushroom ngayon kaya hindi kami nakapagluto ng mushroom soup. But we really tried our best to make sure that you will enjoy the soup,” malumanay na sagot ni Francois. Tumaas ang kilay niya. Akala niya ay sasabihin ni Francois na, “Sandali lang at gugulpihin ko lang ang cook na iyon”. Nakasuot ito ng apron. He was like the spokesperson of the kitchen staffs. Ibig bang sabihin ay kasama ito sa kitchen staff? Paano nangyari iyon? “Hindi nga ako nag-enjoy. Ipapatawag ba kita dito kung nag-enjoy ako? Mushroom soup ang gusto ko at wala akong pakialam kung wala sa season. Meron namang mushroom sa lata. Bakit hindi iyon ang ilagay?” angil ni Mabel. “May mandate po sa kitchen namin. We only produce food from fresh ingredients. Sinusunod lang po namin ang utos ni Don Alfonso. Kung may stock po sana kami ng canned mushroom ngayon, wala pong problema. Ipagluluto po namin kayo agad kung iyon ang gusto ninyo. Unfortunately, we don’t have any,” magalang na sabi ni Francois at ngumiti kay Mabel. “Fine. Gusto ko na lang ng steak, medium rare,” anang si Mabel nang kumalma. “Kung wala pa rin, ipapasensante kita.” “We do have that on our kitchen, Miss,” nakangiting wika ni Francois. “Sabihin lang po ninyo sa akin kung may problema pa po sa pagkain.” “Sa akin walang problema. Ang sarap-sarap nga ng foods mo,” namumuwalang sabi ni Berry na nagtatalsikan pa ang laman ng bibig pero parang wala itong pakialam. “Ang galing mong cook.” “He is not just a cook,” sabi ni Don Alfonso at hinawakan ang braso ni Francois. “He is Chef Francois La Croix-Mosqueda. He is a sought-after chef and he perfected his culinary skills in Paris.” Napanganga si Amira. Chef? Paris? What a fall from grace. Mula sa pagiging chef ay naging isang driver at kidnapper na lang ito ng mga Banal. Bakit pinili nitong maging utus-utusan lang ng mga Banal? Hamak na mas bagay nga naman dito na maging isang chef. Kung lalabas nga ito sa TV bilang isang celebrity chef ay tiyak na dudumugin ito ng mga tao. Why, oh, why? “I love Paris! Shopping! Shopping! Shopping!” excited na sabi ni Ailene. “I think magkakasundo tayo.” “Kaya pala ang sarap-sarap ng dinner namin. Nang matikman ko, pakiramdam ko nasa ibabaw ako ng Eiffel Tower at lumilipad,” sabi ni Sky at saka ibinuka ang mga bisig. Natabig nito ang kamay ni Berry na susubo sana ng meatball. Nalaglag ang meatball at gumulong sa sahig. “Ay, nakanang lintik naman o!” Natutop ni Sky ang bibig. “I am sorry. Sorry talaga.” Napailing na lang siya. Maganda ang kapatid niyang si Sky pero isa namang accident-prone. Disgrasyadang-disgrasyada. “Huling bola-bola na iyon e!” puno ng panghihinayang na sabi ni Berry na may halong inis at biglang nag-crouch sa sahig para sundan kung saan gumulong ang meatball. Gumulong ang meatball sa may likod ng upuan at ginapang iyon ni Berry. “Sayang ito. Wala pang five minutes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD