Nagkatinginan ang mga naroon. Halatang kinakabahan. She finally dropped the bomb. Isang malaking lamat sa reputasyon ng Banal Mining Corporation ang pangyayari sa tribo ng mga Lambayan. Alam niya na nasa kamay na niya ang tagumpay ngayon. Pwede nang pumabor sa kanya ang pagkakataon. Narinig ni Amira ang pagtapik ni Romualdo sa fountain pen nito. He looked bored. Di gaya ng mga kasamahan nito na mukhang apektado sa ipinahayag niya. “Amira, that incident happened more than twenty years ago. It was a simple misunderstanding,” anang si Caridad. “A simple misunderstanding?” tanong niya sa mataas na tono. “Na maraming buhay ang nawala?” Wala ba itong konsensiya? “Yes. Pinapakiusapan silang umalis sa lupa pero sila ang naglabas ng sandata nila. Of course, poprotektahan lang ng mga taga-Ban

