TUWID lang ang tingin ni Amira habang naglalakad sa hallway ng Banal Mining Corporation. Parang isa siyang sundalo na susugod sa giyera. Wala siyang gaanong sandata maliban sa prinsipyong ipinaglalaban niya. She was able to persuade world leaders before. Kaya rin niyang gawin iyon ngayon. I know I am on the right track. I can do this. She gave everyone a nod when she entered the room. Kinamayan din siya ng iba. Francois was not late this time. Pero naka-slouch ito sa upuan nito at di pa nakaayos ang kurbata habang nakasapo ang ulo at nakatukod ang siko sa desk habang natutulog. Kung hindi pa ito siniko ng matandang babaeng executive na katabi nito ay di pa ito magising. Luminga ito sa paligid at awtomatikong ngumiti nang makita siya. Hindi niya alam kung nagiging supportive ito or he

