Malungkot na tumingala si Amira sa taas. “Kawawa naman si Tito Romualdo.” At si Francois na rin. “Ano ba talagang nangyari? Di kasi gaanong nakapagkwento si Francois sa amin dahil mukhang magulo ang isip niya. Basta ang sabi niya dumating si Alfie sa kalagitnaan ng meeting ninyo para bawiin ang boto ni Caridad. Totoo ba iyon?” “Can we discuss it over hot chocolate? Kailangan ko po iyon at sa palagay ko ay kailangan din ninyo,” aniya at tipid na ngumiti. Patingin-tingin siya kay Francois mula sa dining table dahil baka magising ito. “Hindi aalis si Francois diyan. Magkwento ka na. Nagising na ba mula sa coma ang tatay mo?” Marahan siyang tumango. “Opo. Kalagitnaan ng botohan namin nang basta na lang siyang sumulpot. Binabawi niya ang voting power ni Aunt Carrie. Nalaman namin na isang

