Chapter 188

968 Words

ALAS diyes na ng gabi nang sa wakas ay matahimik ang mansion ng ama ni Amira sa Baguio. Sumuko na rin ang mga kapatid niya sa pakikipagkwentuhan at nagpahinga dahil sa pagod sa buong araw na iyon. Ang ama niyang si Alfie ay kailangang magpahinga dahil na rin sa utos ng nurse nito. Bagamat may clean bill of health na ito ayon sa doktor ay di pa rin ito dapat magpagod nang todo. Alalay lang ang kilos nito kahit pa ikine-claim ng ama na malakas na ito. Dapat ay matulog na rin siya dahil sa tindi ng stress na dinanas niya pero di siya mapakali. Kanina pang hapon di sinasagot ni Francois ang tawag niya. Naisip niya na baka kailangan nito ng panahon para makasama ang ama. Matindi ang pinagdadaanan ng mga ito ngayon. Wala siyang balita dito maliban sa text ng nanay niyang si Himaya na dumating n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD