Nagpatuloy ang ama niyang si Alfie sa pagkukwento. "Kanina lang namin nakuha ang CCTV file na kailangan namin para patunayan na hindi ikaw ang dahilan ng atake sa puso ni Papa. At ihinabol din sa amin ang mga ebidensiya kung paanong si Carrie ang nagtutustos sa mga pangangailangan ni Romualdo para makabawi sa negosyo na pati ang pera ng Banal Foundation ay nadispalko niya.” “P-Paano ninyo naitago ang lahat?” tanong niya. “Mahigit isang buwan ninyong naitago sa amin ang lahat.” “Nang magising ako, si Attorney Ferrer agad ang ipinatawag ko. Paggising ko ay naalala ko agad ang pagtataksil ni Carrie sa akin.” Tumiim ang anyo nito. “Sa tulong niya ay nalaman ko ang ikinikilos ni Carrie pati na rin kayong magkakapatid. Naitago ang tunay kong kondisyon sa tulong ng mga nurse at doktor ko.” Of

