“Kumusta ang bagong special projects manager ng Banal Mining Corporation?” patuksong tanong ni Estephanie nang magkausap sila. Papunta siya noon sa opisina ng Banal Mining Corporation para sa pangatlong araw niya sa trabaho. And she felt so light. “Okay naman,” kaswal niyang sagot at nakangiting tumingin sa labas. “I think this will be a good, good day.” “Aba! Nag-iba yata ang tono mo. Kahapon lang ng umaga nang tawagan kita parang pagod na pagod ka na. Na-imagine tuloy kita na losyang na losyang, iniwan ng asawa mo at may sampung anak.” Natawa lang siya sa biro nito. “Sabihin na natin na may nakain akong masarap na cupcake kaya okay na ang pakiramdam ko ngayon.” “Hmmm.. ganyan ka lang kasaya pagdating sa cupcake kapag magaling na chef ang nagluto. Ipinag-bake ka ni Chef Aklay, no? Oka

