“PAPA, gising na po kayo. Nandito na po kaming mga prinsesa ninyo,” malambing na sabi ni Yumi nang haplusin ang buhok ni Alfie habang nakahimlay ito sa hospital bed. Dinalaw nila ang ama sa ospital matapos ang tanghalian. Di na nila nakasama ang kanya-kanyang asawa at nobyo dahil may kanya-kanyang schedule din ang mga ito at gusto rin ng pagkakataon na magka-bonding silang magkakapatid. Si Angel ay isinama muna ni Brian para dalawin ang isang kamag-anak sa Besao na galing sa London. Mula nang saglit na magising mula sa pagkaka-coma ang ama nila mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan ay ngayon lang ulit sila nabuong magkakapatid para dumalaw sa ama. “Gusto na kayong makalaro ni Angel,” lambing ni Vera Mae dito. “Para naman makita ninyo kung gaano kaganda ang apo ninyo.” “Papa, gusto k

