“Amira, totoo ba na nagpa-interview ka sa radio station laban sa Banal Mining?” tanong ni Vera Mae. “Alam mo naman na may sakit si Lolo. Nampusa naman o! Gusto mo talaga siyang mamatay?” puno ng pang-aakusa na tanong ni Berry at hinampas ng palad ang sarili nitong hita. Sa itsura ng kapatid ay parang pinipigilan lang siya nitong sugurin. “Kaya ka ba umalis noon sa mansion kasi gusto mong kalabanin si Lolo? Hindi ba okay naman na kayo noon?” sabi ni Mabel sa pagitan ng hikbi. “Ano bang masamang nagawa ni Lolo sa iyo at ganyan ka kagalit sa kanya?” tanong ni Ailene na may ngitngit sa boses. Nagsasalimbayan ang mga tanong ng kapatid ni Amira. Pinupuno ng galit na boses ng mga ito ang buong sala. Umaalingawngaw ang boses ng mga ito sa buong Banal Mansion Nahihilo na siya dahil di niya alam

