Natigagal siya. “G-Ginawa niya iyon? H-Hindi ko maintindihan kung bakit... paanong…” Hindi ba dapat galit si Don Alfonso sa kanya dahil nagpa-interview siya sa radio program laban dito? Kung nilagdaan na nito ang pagpapatigil sa minahan bago pa ito inatake, hindi niya maintindihan kung paanong nakaapekto pa dito ang interview niya. “Tatlong araw mula ngayon ay haharap ka sa board of directors ng Banal Mining Corporation. Kailangan ang presensiya mo doon at hindi ka maaring mawala bilang nagmamay-ari ng pinakamalaking shares sa kompanya at kailangan mo ring ipamilyar ang sarili mo sa bago mong trabaho.” “Hindi ko pa iyon tinatanggap,” aniya sa matigas na boses. “It is up to you. You know what is at stake here. Gusto mo bang ihatid kita kung saan mo man gusto?” alok nito. Umiling siy

