Nahigit ni Amira ang hininga. Malakas ang kabog ng dibdib niya at bigla siyang nagka-interes sa nabasa. Ang sagradong lupain ng tribo – ang Kanayama na ayon sa kanyang ina ay mistulang isang paraiso. Napalilibutan ito ng matataas na puno na ilang daang taon na ang tanda, mga sagradong kuweba at ang sagradong talon na siyang nagbibigay ng buhay sa mga bukirin. Doon nakatira ang natitirang Lambayan na hindi naging bahagi ng mga minahan ng mga Banal. Sa lugar na iyon ipinagpapatuloy ang mga ritwal at kaugalian ng tribo. Doon nakatira ang mga magulang ng kanyang ina. Nasa sagradong lupain din matatagpuan ang mataas na uri ng ginto at malaking tulong ito sa Banal Mining Corporation kung maitutuloy ang mamimina. Naka-hold pa ang proyekto sa ngayon at sa palagay ko ay makakamatayan ko na. Pero o

