“BET mo bang mag-build ng snowman? Gora tayiz and play. Di na kita ma-sight anymore. Open sesame. Anyareh sa iyo, teeee?” kanta ni Francois habang kinukuhanan ng picture ang higanteng snowman na nasa Ice Factory na bahagi ng Mines Wonderland. Ang Ice Factory ang pinakaunang snow house facility sa Malaysia. Bukod sa higanteng snowman ay may igloo din doon at pakiramdam niya ay mababali na ang dulo ng ilong niya sa sobrang lamig. Mainit sa labas kaya naman nagyaya si Francois sa mundo ng yelo. Tinampal niya ang braso nito. “Uy! Huwag mo ngang kantahin iyan. Baka mamaya may makarinig sa iyo.” “Ano naman kung marinig nila?” “Baka akala nila paminta ka,” sabi niya at ipinilantik ang daliri. Ngumisi ito. “Ayaw mo no’n? Walang ibang babaeng magkaka-interes sa akin. Saka iyon agad ang kantang

