MASARAP na masarap ang tulog ni Amira at tinanghali pa siya ng gising kinabukasan. She was greeted by the beautiful view of the lagoon at the hotel balcony when she woke up. Nag-iwan lang si Francois ng note sa bedside table niya na may kasamang bulaklak na naghihintay ito sa lakeside restaurant ng hotel para sa agahan nila. Hihikab-hikab siya nang samahan na mag-agahan sina Lycerge, Fawna at Francois. Mukhang seryoso ang usapan ng tatlo kaya hindi napansin ang paglapit niya. “Magandang umaga,” bati niya sa mga ito. Dali-daling tumayo si Francois at hinalikan siya sa pisngi. “Parating na ang in-order ko para sa iyo na breakfast,” sabi nito. “I had it customized according toy what you want.” “Perks of having a chef boyfriend,” anang si Fawna. “Alam niya kung ano ang gusto mo, ang pwede

