Nagkibit-balikat lang si Amira at pilit na ngumiti. Ayaw na niyang saktan pa si Francois sa magiging komento niya at ayaw niyang pagtalunan pa nila kapag nilagyan niya ng malisya ang pagbili ni Carrie ng necktie para kay Romualdo. Ang ipinagtataka lang niya ay bakit kailangan pang maglihim ni Carrie sa kanya? Bakit nang makita niyang tinitingnan nito ang necktie ay bigla itong nagulat at akala mo ay gumagawa ng kalokohan? Bakit kailangan pa nitong sabihin na ibibigay nito sa tatay niya kung hindi naman? Ano naman ang masama kung ibigay nito sa isang kaibigan? Parang may itinatago tuloy ito. “Amira, you think too much today,” angal ni Francois habang nakahiga sa carpet at nakaunan ang ulo sa braso nito. “Kanina ako salita nang salita dito pero hindi mo naman ako naririnig.” “I can’t hel

