Chapter 25

687 Words

Parang tinadyakan sa sikmura si Amira at napaurong. Naging mabuway ang hakbang niya at pakiramdam niya ay matutumba siya. Mabuti na lang at nakaalalay agad ang matipunong katawan ni Francois sa kanya at hinawakan siya sa balikat. “Hey,” usal lang nito at inalalayan siya. Pero di iyon nakatulong para bumuti ang pakiramdam niya. Parang umiikot ang lahat sa paligid niya. Umaalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng madrasta. Lahat ng kinatatakutan niyang marinig ay narinig na niya mula dito. Narinig nga ni Don Alfonso ang panayam niya sa radio program. Malakas ang loob niyang ginawa iyon kahit alam niyang masasaktan niya ito. Oo nga at trabaho lang iyon. Walang kaibahan kung sinuman ang kalaban niya. Katwiran niya, mas matinding paglapastangan naman ang ginagawa ng mga naninira ng kalika

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD