“Carrie, stop it! Hindi magugustuhan ni Alfonso na nagsasalita ka ng di maganda sa apo niya. Mahina na si Alfonso kaya di pwedeng isisi mo ang lahat ng nangyari kay Amira,” saway ni Attorney Ferrer sa babae. “At huwag na huwag kong malalaman na sinabi mo iyan sa iba lalo na sa ibang apo ni Alfonso. Ayaw niyang magkakagulo ang mga apo niya.” Mariing nagdikit ang labi ni Carrie at humakbang paurong. “Pwes, isa lang ang pwedeng matira sa amin dito. Siya ang aalis o ako?” naghahamong tanong ng madrasta niya. “Ako na nag-alaga kay Papa at di siya pinabayaan mula nang maging asawa ko si Alfie o ang apo niya na walang idinala sa kanya kundi sama ng loob?” “Tita, di po ba pwedeng magkasundo na lang kayo kahit para kay Don Alfonso?” malumanay na tanong ni Francois. “No!” sagot agad ni Carrie. “H

