Chapter 130 - Coming Home

1466 Words

Napanganga siya nang makita ang mahabang linya ng gutay-gutay na hanging bridge. “Paano ka makakatawid diyan kung sira? Delikado ang buhay mo diyan. Bakit hindi na lang ipaayos ang tulay?” “Iyan daw po ang nais ng mga anito para di makapasok dito ang mga magtatangkang manira sa Kanayama.” “Pero makakadaan pa rin sila sa ilog,” sabi niya. “Kapag daw po ayaw ng mga anito na tumawid ang isang tagalabas dito ay basta na lang lumalaki ang ilog at umuurong sila. Mula po noon ay wala nang nagtangka. Mahiwaga po ang lugar na ito. Mapalad po kayo dahil di lumaki ang ilog nang tumawid tayo. Ibig pong sabihin ay gusto ng mga anito na makatawid kayo.” Humiga si Amira sa batuhan at dinama ang bato sa likuran niya, ang malamig na ihip ng hangin at pinakinggan ang pagaspas ng mga sanga ng puno. Nakad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD