" Ram... natatakot ako...."
"Shhh... h'wag kang matakot Allyna.. mahal na mahal kita! Hindi kita lolokohin... hindi kita iiwan!" ani Ram na mapupungay ang mga mata at sige sa ginagawang paghalik sa leeg ni Allyna.
Hindi niya talaga alam kung bakit ba siya napapayag ng kaniyang nobyo na sumama sa condo nito. Alam naman niya na kapag sumama siya malaki ang posibility na talagang may mangyari na hindi dapat.
At heto na nga... kasalukuyan na siyang tinatalupan ni Ram at nagkalat na sa kung saan-saan ang uniporme na kanina lang ay soot-soot pa niyang lahat.
Maalab ang mga halik ni Ram...nakakapaso...nakakalasing!
Hindi magawang itulak ni Allyna palayo si Ram dahil ang totoo ay nararamdaman rin niya na nagugustuhan niya ang pagpapahayag nito ng pagmamahal sa kaniya sa ganooong paraan.
Napalunok si Allyna nang sunod-sunod nang tuluyan na siyang buhatin ni Ram at ihiga sa napakalambot na kama.
Nalalanghap pa niya ang mabangong bedsheet at unan ng kaniyang nobyo at nanonoot hanggang buto niya ang lamig ng aircon sa buong kwarto ni Ram.
Pero tila wala yun epekto sa init ng katawan ng lalaki na ngayon ay nakayakap sa kaniyang kahubaran.
Buong paghanggang tinitigan ni Ram ang kabuuan ni Allyna, napaka ganda ng mukha ng kaniyang nobya na ngayon lang niya tuluyan na napagmasdan ang buong kabuuan.
Siniil niya ito nang halik sa labi.
Matagal...
Maalab!
Mapusok!
Naramdaman ni Allyna... hindi na niya kayang pigilan pa si Ram sa tangka nitong pag-angkin sa kaniya dahil nakikita niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa na dama niya sa bawat kilos nito.
Sa loob ng isang taon nilang relasyon bilang mag-kasintahan ay pinaramdam ni Ram kung paano ba maging prinsesa kay Allyna.
Magkaibang university ang pinapasukan nila pero hindi ito naging hadlang para mawalan ng panahon para sa kaniya ang lalaki.
Isang tanyag na negosyante at Bilyonaryo ang ama ni Ram. Dahil dito lahat ng bagay na material ay madaling nakukuha ng kaniyang kasintahan.
Pero hindi ito ang nagustuhan ni Allyna kay Ram.
Kusa niyang naramdaman na umiibig siya sa binata at hindi niya ito pinili nang dahil lang sa mayaman ito.
"Ram... m...mali ito... hindi pa tayo kasal... hindi pa tayo nakakatapos ng pag-aaral natin..." ani Allyna nang biglang maalala ang pangakong binitiwan sa mga magulang..
"Babe.. I can't stop now...please.. " ani Ram na nagsusumamo ang mga mata. Naramdaman na niya na mukha ngang hindi na niya mapipigilan pa ang kaniyang nobyo at huli na rin ang lahat para maiwasan niya ito.
"Moan my name Allyna... ipakita mo sa akin na mahal na mahal mo ako!"ani Ram na namumungay ang mga mata.
Paano ba niya kayang ipagkait kay Ram ang sandaling ito?
Kung siya mismo ay naaakit sa kaniyang nobyo?
Noon pa man ay hinahangaan na niya ang magagandang mata ni Ram. Ang makapal na kilay at matangos na ilong at ang mga labi na parang laging nangangako ng matamis na mga halik?
Ipinulupot ni Allyna ang kaniyang mga bisig sa leeg ni Ram at masuyong dinampian ng mabilis na halik ang mga labi nito.
Sa ginawang ito ni Allyna ay tila binigyan niya si Ram ng permiso sa anomang magaganap sa pagitan nila ngayon!
Yun lang at parehas na silang natupok ng kanilang mga nararamdaman.
Pinagsaluhan nila ang init ng kanilang pagmamahalan.
Umindayog sila sa iisang ritmo ng pag-ibig na tanging para lamang sa kanilang dalawa.
Kapwa nila hindi napaglabanan ang kanilang kapusukan dala ng kabataan.
Nang maghiwalay kapwa nila hinahabol ang kanilang mga hininga.
Niyakap ni Ram si Allyna at masuyong hinagkan muli ito sa mga labi.
"Mahal na mahal kita Allyna...ngayon naka sisiguro na ako na wala ka nang ibang mamahalin kung hindi ako lang!" ani Ram habang nakatitig sa mga mata ni Allyna.
Noon pa man...alam na ni Allyna na ito ang gustong mangyari no Ram.
Ang isuko niya ang kaniyang sarili dito.
Dahil sa taglay na ganda at balinkintan na pangangatawan marami talagang manliligaw si Allyna.
Kaya naman kahit boyfriend na niya ang binata ay nagseselos pa rin ito kapag nalalaman niya na may umaaligid o pumoporma sa kaniya.
Nararamdaman ni Allyna na nagiging seloso ang boyfriend niya at malimit na kinokompronta nito lahat ng lalaki na gustong manligaw sa kaniya ...lalo na si Timothy or Tim ...ang kababata niya sa probinsya.
At ngayon nga na ibinigay niya ang virginity niya kay Ram hindi pa rin niya maiwasan na kabahan.
Wala siyang pagsisisi na mararamdaman pero natatakot siya dahil hindi niya alam kung tama ba itong pagpapadala niya sa bugso ng damdamin!
"Hey... don't tell me..nagsisisi ka babe? Hindi ganyan ang nakita ko sa mukha mo habang—" pilyong ani Ram habang hinahalik-halikan ang balikat ni Allyna.
Napabuntong-hininga si Allyna saka humilig sa balikat ng nobyo.
"Hindi ako nagsisisi Ram....you know I love you! Pero natatakot ako na baka —"
"What babe?Na takbuhan kita?! Matapos kong makuha ang pagkabirhen mo? Come on...that will never happen dahil bukas na bukas din ay uuwi tayo sa inyo...."
"Bakit?!" naguguluhang ani Allyna.
"Dahil pakakasalan na kita babe...ikaw at ako ...perfect combination di ba?! Don't worry...ako na ang bahala sa Inay at Itay mo..at gaya ng pangako mo sa kanila ..tutuparin natin iyon ng magkasama..papag-aralin natin si Angelo...okay?!" at pinisil pa nito nang bahagya ang kanyang ilong kasunod ng malambing na halik sa kaniyang mga labi.
"Ram—"
"Hmmmm?!"
"Mahal kita....sana hindi ka magbago...sana hanggang huli mahal mo pa rin ako—" ani Allyna sa pagitan ng paghikbi.
Kaagad naman na pinawi ni Ram ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mga pisngi ng dalaga.
Hindi maunawaan ni Allyna ang nararamdaman na kaligayahan sa pagaalok ni Ram ng kasal sa kaniya.
At hindi na siya nagalinlangan pa...sinang-ayunan na niya kaagad ang planong ito ni Ram dahil alam niyang hindi naman siya pababayaan ng lalaki.
Mahal na mahal siya ng kaniyang boyfriend!
Tama lang ang desisyon niya....ang magsama na sila ni Ram!
***********
"Ano?! Tama ba Allyna itong naririnig ko sa inyo ng lalaking ito?" ani Mang Carding.
Halos malaglag na ang puso ni Allyna mula sa kaniyang dibdib dahil kitang kita niya kung paano kumunot ang noo ng kaniyang Itay nang marinig mula kay Ram na magpapakasal na sila.
"S...sigurado na ba kayo diyan mga anak? Aba e..ang babata pa ninyo..hindi pa kayo tapos sa kolehiyo!" malumanay na tanong ni Aling Rebeca ang ina ni ni Allyna.
Sabay silang nagkatinginan.
"Opo" ani Ram sabay kuha ng palad ni Allyna.
Kanina pang nangangatal ang kamay ni Allyna at pawis na pawis na rin ito.
Kinakabahan siya sa maaring maging reaksiyon ng kaniyang mga magulang sa pabigla-bigalang desisyon nilang dalawa ni Ram.
"Allyna...ikaw ang tatanungin namin ng Inay mo sa bagay na ito...napag-isipan mo na ba itong mabuti? Dahil .....kung napag-isipan mo na at nakasisiguro ka ay wala kayong magiging problema sa amin ng Inay mo. Hindi ka namin pipigilan kung saan ka magiging masaya." matigas na pahayag ni Mang Carding bagaman nakikita ni Allyna ang bahagyang pamumuo ng mga butil ng luha sa magkabilang sulok ng mga mata ng kaniyang ama.
Tila pinipiga nang paulit-ulit ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng kaniyang Itay.
Disciplinarian ang kaniyang ama, bata pa lang ay pinalaki na sila ni Angelo nito sa mga pangaral at mabubuting halimbawa. Pero maliban dito isang mapagmahal at responsableng ama rin ang kaniyang Itay, isang ama na palaging handang unahin ang kapakanan ng anak bago pa ang kaniyang sarili! Kaya naman nangako siya na tutulungan niya ang mga magulang sa pagpapa-aral sa kaniyang kapatid sa sandaling makapagtapos na siya ng pag-aaral.
Pero heto siya ngayon...hindi magawang labanan ang bugso ng damdamin dahil sa labis na pag-ibig kay Ram.
"Allyna...tinatanong ka ng Itay mo!" ani Aling Rebeca na pilit pinapakalma ang sarili kahit na halatang may kinikimkim na hinanakit kay Allyna.
Bahagyang pinisil ni Ram ang palad ni Allyna upang bigyan ito nang lakas nang loob upang makapagsalita, kasunod ang isang tipid na ngiti.
Humugot muna ng isang malalim na buntong-hininga si Allyna bago nagsalita upang punuin ng hangin ang dibdib.
"O...opo..Itay....Inay....s....sigurado na po ako sa pagpapakasal namin ni Ram....m..mahal po namin ang isa't-isa!"