ChapterThree: Throw Back 2

1547 Words
Isang simpleng kasal ang nangyari sa pagitan ni Ram at Allyna. Kung papapiliin si Allyna, ito rin naman talaga ang gusto niya. Hindi niya gusto ang magarbong kasal dahil hindi rin naman siya kumportable na makipagsosyalan sa pamilya at mga kaibigan ng pamilya ni Ram. May kutob rin naman siya na hindi rin gusto ng mga byenan niya ang kasal na marangya para sa kanila ni Ram dahil tiyak na uungkatin ng mga tao sa paligid nila ang pinagmulan niya... at dahil sa simpleng tao lang si Allyna malamang na hindi rin naman nanaisin ng mga ito dahil wala naman siyang yaman na maipagmamalaki. Kung iisipin alangan talaga ang kagaya niya kung ikukumpara sa buhay ng lalaking minahal niya. Langit si Ram at siya ay lupa. Mahirap ang buhay nila at sanay ang kanyang mga magulang na si Aling Rebeca at Mang Carding sa mga payak na bagay dahil ito naman ang nakasanayan na talaga nila sa simula pa lamang. Pero si Ram... ipinanganak ang asawa niya na may gintong kutsara sa bibig! Kilala at tanyag sa lipunan. Paano nga bang sila ang pinagtagpo gayung hindi naman parehas ang katayuan nila sa buhay? Kitang-kita ni Allyna na hindi magaan ang loob sa kaniya ng kaniyang biyenan na si Donya Paula Contreras pero isinatabi na lang niya muna iyon. Sa puso at isip niya ay mas nagingibabaw ang pagmamahal niya kay Ram na ngayon ay ganap na asawa na niyang maituturing. Dama man ang pagkontra ng mga magulang ng lalaki sa desisyon nilang pagpapakasal ay wala nang nagawa pa ang mga ito dahil hindi nila kaya na sumama ang loob ni Ram sa kanila. Nakita rin niya kung paano siya ipinaglaban ni Ram sa kaniyang mga magulang at para kay Allyna ay sapat nadahilan na ito upang masabi niyang mahal talaga siya ng kaniyang asawa. Lumipas ang mga taon at nakasanayan na lang ni Allyna ang malamig na pakikitungo ng mga magulang ni Ram sa kaniya, lalo't higit ang mama ng kaniyang asawa. Hindi niya maunawaan kung bakit sa loob ng mga taon ay parang hindi pa rin nito magawang tanggapin ang relasyon nila ni Ram bilang mag-asawa. At ang lahat nang ito ay patuloy niyang inilihim sa kaniyang pamilya dahil hindi niya gustong bigyan pa ng alalahanin ang mga ito... isa pa nag kakasundo naman sila ni Ram. Para kay Allyna yun naman ang pinaka mahalaga. Ang pagmamahal ni Ram! Hanggang sa dumating na yung kinatatakutan ni Allyna. " What? What do you mean Ram? " ani Allyna na may halong hinanakit. "I have no choice Allyna... gusto ni Mama at Papa na kami ang maging bussiness partner ni Shane sa expansion ng mall namin Cebu." "No choice? Hindi ako kumportable na si Shane ang kasama mo sa Cebu!" matigas na ani Allyna habang pinipilit na h'wag bumagsak ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "Babe...alam mo naman negosyante kami! Nag-iisa akong anak ni Mama at Papa natural na ako ang mag manage ng mga negosyo namin...at si Shane bata pa lang kami kasosyo na sa negosyo namin ang pamilya nila...hindi ko pwedeng pahindian ang partnership namin na ito ...we also need them... sana naman maunawaan mo yan!" nahihirapan na paliwanag ni Ram. Kanina pa kasi silang paulit-ulit ni Allyna sa paliwanagan na ito pero tila sarado na ang isip ng babae sa mga paliwanag niya. "Yes...at maliban diyan ex-girlfriend mo rin yang babae na yan...o hindi ba hanggang ngayon may gusto pa rin yan sa'yo! Babae ako Ram..ramdam ko siya kapag tinitigan ka niya ..nakikita ko sa mga mata niya na hanggang ngayon ay may feelings pa siya sa'yo " ani Allyna sa pagitan ng paghikbi. Hindi na talaga niya maintindihan ang nararamdaman. Ano nga ba ang dapat na maramdaman ni Allyna? Hindi ba sapat ang tiwala niya sa kaniyang asawa kaya nagagawa niya itong pagdudahan? Yung luha na pinipigilan niya na umalpas mula sa mga mata ngayon ay tuluyan nang kumawala. Lumapit naman si Ram. Diretsong tinitigan ni Ram ang mga mata ni Allyna. "Babe... nag ooverthink ka lang...tapos na ang lahat sa nakaraan namin ni Shane...hindi ba ikaw ang pinakasalan ko?" "Pano ...pano kung matukso ka Ram?!" "Babe.. hindi yan mangyayari! Tingnan mo nga ako ..mukha bang lolokohin kita e ako pa nga ang patay na patay sa'yo?!" wika ng lalaki na may halong pagbibiro. "Ram... hindi ko alam kung tama ba na payagan kita na makasama ang babaeng iyan.. pero ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo na wala akong tiwala sa kaniya!" ani Allyna na panay pa rin ang sinok. Umupo si Ram sa kama at kinalong si Allyna habang yakap-yakap ito nang mahigpit. "Babe...you don't have to worry... there's nothing between me and Shane..okay? " "Siguraduhin mo Ram... may tiwala ako sa'yo... h'wag na h'wag mo sanang sisirain!" ************************ Wala nang nagawa pa si Allyna kung hindi magpaubaya na lang sa mga pangyayari. Gustuhin man niyang kumontra sa pag-alis ng asawa kasama si Shane ay hindi niya magawa. Ano nga ba ang kayang magawa ng isang Allyna Velarde? Wala! Wala siyang kayang gawin kung hindi ang mahalin ...asikasuhin at paglingkuran ang kaniyang asawa. Naging masyadong busy sa trabaho si Ram. Masyado itong na pressure sa mga magulang dahil sa expansion ng kanilang mall...at bilang nag-iisang anak gusto ni Ram patunayan ang sarili sa kaniyang mga magulang. Gusto niyang ipakita sa mga magulang na karapat-dapat siya sa tiwala na ipinagakakaloob ng mga ito! Hanggang sa halos nawawalan na ng panahon kay Allyna si Ram. Hindi rin naman niya magawang isama ang babae sa Cebu dahil bumabalik rin naman siya sa Manila para asikasuhin ang trabaho na naiiwan niya dito. Unti-unting nabuo ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Allyna at Ram. Ang tiwala ay napalitan ng pagdududa at ang unawaan ay napalitan ng mga hinanakit at sama ng loob. Pakiramdam niya hindi lang trabaho ang pinagkakaabalahan ng kaniyang asawa...meron pang iba! "Babe matutulog na ako ha... I'm so sorry... pagod na pagod ako!" ani Ram. Kadadating lang nito from Cebu pero sa halip na sa bahay nila dumiretso ay sa dumaan muna ito sa bahay ng mga magulang upang personal na ibalita ang mga development ng negosyo nila at ng partnership nila ni Shane. Hindi pa siya nakakasagot pero kaagad na itong humiga sa kama pagkatapos mag shower. Ilang sandali pa ay nakatulog na ang kaniyang asawa na hindi man lang nagawa na mag good night kiss sa kaniya. At masakit ito para kay Allyna! Maghapon niyang hinintay sa pag-uwi si Ram. Ipinagluto niya ito dahil ang usapan nila ay sabay na sila mag-hahapunan pero heto at parang nabalewala lang ang lahat ng pinaghirapan niya! Ang sakit naman........ Halos mabinggi siya sa tindi ng lakas ng t***k ng kaniyang dibdib! Habang minamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Ram. Ayaw niyang pagdudahan ang katapatan ng kaniyang asawa pero sa likod ng isip niya ay naroroon na ang matinding pagdududa. Dahan-dahan siyang kumilos para simulang isa-isahin ang personal na gamit nito. Pero bigo siyang makakita ng anoman. Wala...wala siyang makita na ebidensya na maaring magbigay linaw sa panlalamig ng kaniyang asawa simula nang makasama nito si Shane. Gusto niyang ma guilty sa lahat ng tumatakbo sa isip niya! Paano ba niya napagdududahan ng ganito si Ram? Ano bang ebidensya ang patuloy niyang hinahanap? Hanggang sa sumagi sa isip niya ang cellphone ni Ram. Simula nang dumating si Shane hindi na niya ito mahawakan. Madalas na pinag mumulan din ng away nilang mag-asawa kapag nakakakita siya ng text messages ni Shane kahit na tungkol lang iyon sa trabaho. Masisisi ba niya si Ram kung bakit ayaw na ng asawa niya na hinahawakan niya iyon? O tama pa nga ba na makialam siya sa privacy ni Ram? Humugot siya nang mamalim na hinga at pinuno ang dibdib ng hangin. Kinuha niya ang susi ng kotse ni Ram. May kung anong bumubulong sa kaniya. Kailangan na malaman niya ang buong katotohan! Pumunta siya sa garage at binuksan ang kotse ng kaniyang asawa. Sinubukan niyang mag-hanap ng kahit na ano... pero puro mga resibo lang at ilang mga papel ang nakita niya dito. Nandoon pa rin ang kakaibang kaba niya. Walang tigil ang tahip ng kaniyang dibdib. Sinubukan niyang tingnan hanggang sa ilalim ng driver's seat gamit ang flash light ng sarili niyang cellphone. Pakiramadam ni Allyna... nababaliw na siyang talaga!!! Hanggang sa mapansin niya na may kung ano sa ilalim nito at nang pilitin niyang abutin ay nalaman niya na cellphone ito! "God... may isa pang cellphone si Ram? B...bakit?" sigaw niya sa kaniyang isipan. Iniisip niya na baka hindi niya ito mabuksan dahil may pin pero mukhang nakalimutan na ng taksil niyang asawa ang paglalagay ng password dito sa pag-aakala marahil na hindi naman niya ito matutuklasan. At hindi siya nagkamali...... nasa back up phone ni Ram ang lahat ng converstation nila ni Shane pati na rin mga sweet photos kung saan sila madalas pumupunta at kumakain! Halos araw-araw din sila magkausap based sa call history! Samantalang siya ay hindi man lamang magawang tawagan ni Ram!? Maghapon niyang hinihintay palagi ang tawag ng asawa ... pero wala... mukhang hindi siya naaalala man lang nito sa maghapon! Daig pa niya ang nasabugan ng bomba ng paulit-ulit! Gusto niyang umiyak at sumigaw sa galit pero hindi niya magawa! Niloko siya ni Ram! Pinagtaksilan siya ng kaniyang asawa!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD